kalungkuta'y nagdidilig
pagtangis ng puso'y aking naririnig
pumapatak, umiibig
sa bawat lagaslas ng tubig
naramdaman ko ang sakit ng bigong pagibig
naramdaman ko kung gaano kalamig
ang biglaang iwanan ng isang iniibig
maalat ang tubig
ang luhang dumadampi sa aking bibig
ang sumpaang binigo ng huwad na pagibig
mapait
lasang lasa ng aking kaluluwa ang iniwan mong sakit
nagtatanong ang aking sapantaha
sino sya? paano? bakit?
anung ginawa ko't ipinagpalit mo ako sa pangit?
marahil isip mo'y kinulang na sa bait
mga basag na pangako mo ngayo'y nagkalat
tila ang lahat sa iyo ay hindi pa sapat
aking puso'y wari ba'y nauntog
ingat ka sa paglakad, baka ikaw ay mabubog
Monday, February 21, 2011
Thursday, February 17, 2011
edi nanaginip pala ako kagabi
bale nanaginip nga ako kagabi. nanaginip ako kagabi tungkol sa kung paano raw ako mamamatay. edi kumakain daw ako ng kwek-kwek habang tumatawid sa taft avenue. tapos bigla akong mabubunggo ng erjohn & almarck na bus byaheng cavite.
tapos pagbagsak ng katawan ko sa mamasa-masang aspalto (maulan daw kasi) sasabihin ng mga taong kakilala ko: namatay si bab dahil nabunggo siya ng erjohn & almarck na bus byaheng cavite habang tumatawid sa taft avenue at kumakain ng kwek-kwek. tapos sa burol habang abala sa paglalaro ng mahjong at baraha, maguusap-usap sila at sasabihin: namatay si bab dahil nabunggo siya ng erjohn & almarck na bus byaheng cavite habang tumatawid sa taft avenue at kumakain ng kwek-kwek. tapos sa mga sandaling nag-iisa na lamang sila at may ampat na katahimikan upang magnilay-nilay. kapag nakapikit na sila pero hindi makatulog. kapag nasa LRT at walang makausap. kapag may katext at matagal magreply ang kausap. kapag tumatae o sa pinakatahimik na bahagi ng kanilang gabi. maiisip nila:
A. kung kakain ng kwek-kwek, wag munang tatawid ng taft avenue.
B. kung tatawid ng taft avenue, wag munang kakain ng kwek-kwek.
C. hangga't maaari, iwasan ang mga erjohn & almarck na bus byaheng cavite.
at dahil sa realisasyong ito, magiging mas ligtas ang buhay nila. hindi sila kakain ng kwek-kwek habang tumatawid ng taft avenue. hindi sila tatawid ng taft avenue habang kumakain ng kwek-kwek. at hangga't maaari, iiwasan nila ang mga erjohn & almarck na bus byaheng cavite. hurray! happy yipee yehey! mabuhay! mabuhay si bab! sasabihin nila. dahil kay bab ay naging mas ligtas ang buhay nila. sa gitna ng kalsada ay nagpatayo sila ng rebulto ng lalaking tumatawid habang kumakain ng kwek-kwek at tinawag na nila ang taft avenue na danibab boulevard. habang buhay na mananatili sa kanilang alaala at ipapasa sa mga susunod na henerasyon ang gintong aral na napulot nila mula sa pagkamatay ng makabagong bayaning si bab.
the end.

ang kathang ito ay tungkol sa:
weird shitz
Wednesday, February 16, 2011
sa lahat ng mga babaeng na-link sa akin, siya ang pinakamahirap ispilengin.
Pimchanok Lerwisetpibol |
PETISYON UPANG IPAGBAWAL ANG PDA O PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION
nais kong ilatag sa inyong mga monitor ang isang mabigat na suliraning kinakaharap ng sangkatauhan ngayon.
kaming mga single ay matahimik na namumuhay sa paraan na wala kaming naa-agrabyadong kapwa. mapayapa naming tinatahak ang landas ng singlehood nang walang nasasagasaang karapatan at walang niyuyurakang apog. hindi sa kahit pinakamaliit na posibilidad kami gagawa ng mga hakbang na makakasakit ng kapwa.
respeto ang ibinibigay namin sa lahat. respeto rin ang nais naming matanggap.
ang walang habas ang paghahalikan at paglalampungan sa harap naming mga single ay isang mabigat at konkretong manipestasyon ng kalapastanganan sa aming karapatan. nababastos ang aming pagkatao at higit sa lahat isa itong malupit na kurot sa aming mga puso.
HINDI TAYO UUNLAD HANGGA'T MAY PDA!
nais po sana naming hilingin sa mga taong may iniibig na nawa'y iwasan ang labis na pagpapakita ng pagmamahalan sa harap ng publiko. maglagay lamang po sana kayo ng at least isang pulgada sa inyong pagitan kapag kayo'y nasa pampublikong sasakyan. nais rin naming hilingin na ilagay sa tamang lugar ang pagbibigay ng halik. wala kaming problema sa holding hands basta ito'y hindi nakapatong sa hita malapit sa kuwan. iwasan na rin po sana ang pagyayakapan o maging pag-akbay kung kayo'y wala naman sa inyong mga bahay.
isa sa mga napipisil naming solusyon sa suliraning ito ay ang pagbaba ng singil sa mga motel. naiintindihan naming dahil sa di maampat na suliraning pang-ekonomya ng bansa ay nagtataasan na ang mga presyo ng mga pribadong kwarto kaya't minabuti naming kausapin ang kapisanan ng mga mayari ng mga nasabing establisyamento. ipinakikilala namin sa inyo ang programang MOMO(make out-make out) NOW, PAY LATER.
kung hindi mapagbibigyan ang petisyong ito ay nakahanda kaming lisanin ang aming mga tahanan at mga trabaho upang mag-aklas. papangasan namin ng mga nguso ang mga naghahalikan. babalian ng braso ang mga magka-akbay at nagyayakapan. papasuin ng yosi ang mga naghoholding hands.
isa itong malaking suliranin ng sangkatauhan na nangangailangan na ng ampat na kasagutan. ito'y isang sensitibo at seryosong usapin na hindi dapat ngisian o pagtawanan. katarungan at pag-unawa ang tanging ipinaglalaban naming mga single.
nawa'y mabigyang pansin ng natutulog nating lipunan ang isyung ito ukol sa public display of affection. bigyang kasagutan ang delubyong kumakaharap sa atin. lagyan ng tuldok ang PDA. ang petisyong ito ang magsasalba sa ating naghihingalong lipunan.
maraming salamat po.
ang kathang ito ay tungkol sa:
pagibig,
tae,
weird shitz
Tuesday, February 15, 2011
kung hindi ukol, hindi bubukol (patama sa mga pusong bopol)
kung kayo edi kayo. kung hindi, edi hindi. napakasimpleng lohika na di maarok ng ating mga nagpupumilit na magsarang sapantaha. may mga bagay sa mundo na hindi mo mababago. mga constant na kahit anong tumbling mo e ganun pa rin ang value. may mga landas na kelan man e di pwedeng magtagpo - parang parallel lines na kahit umabot ka pa sa planetang yekok ay hindi kailanman magi-intersect. ang buhay ay parang isang malaking jigsaw puzzle. ang dalawang piyesang hindi magkatugma, kelanman ay di pwedeng magsama. bawat tao at bawat bagay ay may karampatang lugar sa mundo na kapag nailagay na sa tamang puwesto ay may ampat na dahilan ka na upang sabihing ang buhay ay isa nang magandang larawan.
Monday, February 14, 2011
bastardo
sumutsot sa kaniya ang isang may katangkarang lalaking nagkukubli sa dilim ng kalsada. may supang sigarilyo at nakapamulsa. takot man siya'y pinilit niyang aninagin ang kanyang mukha sa matipid na liwanag ng mga tala. matangos ang ilong at bilugan ang mga mata. nang muling sumutsot ang mama ay biglang kumaripas ang kanyang mga paa. tumakbo papalayo sa dilim. tumakbo papalayo sa may katangkarang mama. may supang sigarilyo at nakapamulsa.
pagdating nya sa bahay ay pandalas ang pasok nya sa banyo. sumalok ng tubig at hinugasan ang kanyang mukha. tinanggal ang samyo ng maghapong pagtatrabaho at ng tensyonadong pagtakbo. pagtingin nya sa salamin ay nakita nya ang isang matangos na ilong at isang pares ng bilugang mga mata. pagpitada ng umaga'y lalakad na sya papasok sa trabaho. may supang sigarilyo at nakapamulsa.
ang kathang ito ay tungkol sa:
dagli,
weird shitz
EROTIKA: mga tanagang gagahasa sa tigang na sapantaha
madilim at tahimik
mga labi ay sabik
nag-init ang malamig
ang kama ay nayanig
salita'y di mawari
ang diwa'y nakatali
mata'y napapatirik
sa hiwaga ng halik
gumugulong ang pawis
sa ligayang kaytamis
sinisimsim ang lasa
ng nakaw na romansa
bulaklak ay napunit
nang biglang ipinilit
ang hapdi ay nalimot
nang malasing sa iyot
gumagapang ang init
humihigpit ang kapit
langit ay naabot
mga braso'y may kalmot
utin nya'y napatindig
sa haplos ng bibig
kasintaha'y nabulag
nang tikas ay mabasag
pilit na inaari
hiyas na nagkukubli
nang dagling dinalirot
ang hinhin ay nalimot
Thursday, February 10, 2011
hindi lahat ng nasisilayan ng mata ay nakikita.
hindi lahat ng may tunog ay naririnig.
hindi lahat ng nasa isip ay nasasabi.
o dapat bang sabihin.
bulag.
pipi.
bingi.
hindi lahat ng may labi ay nakakangiti.
hindi lahat ng halakhak ay masaya.
hindi lahat ng katotohanan ay nakakapagpalaya.
isang tanikala.
katotohanang balintuna.
sa bawat pagkislap ng mga tala, ilan sa kanila ang kumurap para sa aking mga pangarap? isa? dalawa? o marahil ay wala. hindi nakakakita ang duwag na mata. hindi nakakarinig ang duwag na tenga. hindi nakapagsasalita ang pusong nagkukubli sa huwad na mukha. nakangiti ngunit walang ligaya. tumatawa ngunit walang sigla. sa ilalim ng nakasusulasok na pagiisa, ginapi ng lungkot ang masaya.
Wednesday, February 9, 2011
isang kwento
<partly fiction>
naalala mo nung minsan, sinulatan kita gamit yung isang pilas ng notebook ko sa technical writing. sabi ko sa sulat, bakit mo ako iniiwasan? may problema ba tayo? marami pa akong sinabi bukod doon pero ang punto ko lang naman ay kung bakit mo nga ba ako iniiwasan. sinubukan ko pang itupi yon nang pahugis puso pero hindi pala ako marunong kaya itinupi ko na lang ng dalawang beses saka ko ipinaabot yung sulat sa best friend mong kasamahan ko sa school chorale. matapos ang isang gabing puno ng pangamba, agam-agam, haka-haka at kung anu ano pang shit, kinabukasan ay inabutan ako ng best friend mo ng sulat mula sayo. nakasulat din sa isang pilas ng notebook sa isang siguro hindi gaanong importanteng subject. nang basahin ko yung sulat, maraming salitang pasensya, patawad at salamat. at iyon na nga yung huli mong sulat. paguwi ko sa bahay, dumerecho ako agad sa kwarto ko bitbit ang mabigat kong bag at kalooban. hindi ako nakapaghapunan kahit amoy na amoy ko ang samyo ng masarap na adobong manok na ginamitan ng nanunuot na sarap ng datu puti soy sauce at datu puti suka. humiga ako sa kama pero hindi ako natulog. pikit ang mata ngunit gising ang diwang pinupuno ng mga tanong - mga bakit at paano. magdamag kong binasa yung unan. sabi ko sa sarili ko noon, susubukan na kitang kalimutan.
highschool pa lang tayo non.
pero hanggang ngayon, sinasabi ko pa rin yan sa sarili ko. damn.
</partly fiction>
pwedeng ako...
yung unan na babasain mo ng luha sa gabi mong mapanglaw
yung lipstick na guguhit ng ngiti sa iyong labi
yung ulap na pagmamasdan mo sa tuwing hihiga ka sa sunken garden at titingala sa kawalan
yung makapal na kumot na yayapos sa nilalamig mong katawan tuwing winter.
yung reluctant na kulangot sa nostril ng iyong alaala
yung titik H sa makabago mong pagbabaybay
pwedeng ako yung kailangan mo
pwedeng ako yung minamahal mo
maaari
ngunit
hindi
pwedeng ako
ngunit di maaari.
ang kathang ito ay tungkol sa:
pagibig
Monday, February 7, 2011
withdrawal syndrome
pagkalito.
sinimsim ng kalituhan ang kanyang ulo. nakakabaliw. nakakatakot. anu nga bang nagpasok sa kanya sa ganitong gulo? kalungkutan? kabiguan?
pag-iisa.
bakit nga ba ako nagkaganito? nagkakaganito? nagpapaganito? ikaw, putangina mo. putangina ko rin. lahat tayo'y mga hangal. bakit pa ginawang bilog ang mundo kung mananatili lamang tayo sa ilalim nito? umiikot ito palibot sa araw para magkaron ng season change na tinatawag ngunit bakit para bang nahinto na tayo sa unos? kurimaw pala ang Diyos na gumawa ng planeta mo kung ganon. binigyan nya ako ng buhay para lang magdusa sa mundong ito. i'm not fucking jesus christ!
ang katotohanan? lahat tayo'y mamamatay na mag-isa. nag-iisa. walang kaibigan, walang kapatid, walang pamilya. ikaw, mag-isa mong haharapin ang kamatayan. tanggapin mo na lang. truth hurts, reality bites. hindi ako nagbibiro. HAHA! hindi ako nagpapatawa. LOL. ROFL. kinabog lang tayo ng lipunang ito. walang kapayapaan. lahat tayo'y may kanya-kanyang kasakiman. at sa bandang huli'y lahat tayo'y magpapatayan. bata, matanda. kalalakihan. kababaihan. kabaklaan. maging ang mga tomboy na may malalaking tsinelas at nakarolyong manggas ay makikipagpatayan para sa kani-kanilang buhay.
nauuhaw ako.
ang usok. ang espiritu. gumagalaw ang aking mundo. nanginginig ako. lumilindol. kumulog nang malakas. magulo! katapusan na ba ng mundo? bakit nga ba ako nagkakaganito? dalawa na ang paningin ko. umiikot. pabilis nang pabilis. ayoko na! suko na ako! di na ako uulit!
tulungan mo ako.
ayoko nang maging mandurugas. ilayo mo ako sa diablong naglalaro sa aking lalamunan. sa aking ulo. sa aking kaluluwa. ayoko nang maging bato-balani sa droga.

HAIKU NO. 2
bakit ka ganyan?
ngiti ko’y walang hanggan
kileg na naman.
ngiti ko’y walang hanggan
kileg na naman.
ang kathang ito ay tungkol sa:
hainaku
Sunday, February 6, 2011
LOVE STORY SA FAURA
may naglalakad sa bangketa.
may nagyoyosi sa brickwall.
may naghahagilap ng id.
nagsisigawan ang mga dispatsador.
naghihiyawan ang mga tibak.
nagiiyakan ang mga busina.
may nagbabantay na guwardiya.
may naka-shades na matanda.
may jeepney na pumara.
nagtitilamsikan ang mantika.
nagliliparan ang mga palara.
naglalakbay-kamay ang mga pera.
may dumaang lrt.
may nalaglag na kendi.
may nagsindi ng panibagong yosi.
tuloy tuloy ang ikot ng magulong mundo.
sabay sa walang puknat na pagtakbo ng oras.
gising na gising ang kalsada.
buhay na buhay ang diwa.
andun ako.
andun ka.
isang maikling yakap.
ako'y nabigla.
magulong mundo'y parang tumila.
doon nagsimula.
ang lovestory sa faura.

usapang tae
WOIST.
tara dito, may tanong pala ako. ikaw ba kapag tumatae ka, nakatingala o nakayuko? ako kasi kapag tumatae, nakayuko. weird ba yun? kasi pag nakikita ko sa tv yung mga tumatae kung hindi nagbabasa ng dyaryo slash magasin, nakatingala e. ayun, basta ako nakayuko. walang pakelamanan. natutuwa kasi ako pag pinagmamasdan ko yung iba't ibang galaw ng tae sa tubig kumporme sa korte at bigat nila. may iba butil-butil. may iba makalat na kala mo may sumabog na bomba. may iba prangka - straight to the point, wala nang flush. may iba naman sentimental, andaming bakas na iiwan. may iba naman hitman, malinis ang trabaho. ang paborito kong klase ng tae, yung turista. ang kulit kasi, lulutang-lutang na parang nililibot ang buong kubeta. ang pinakasikat ngayon e yung macarthur pero di naman ganun katigas ang ulo ng mga tae ko para makipaglaban pa sa agos ng tubig. masunurin sila na pag sinabi kong lubog, lulubog naman sila. ginawang pet?
ganon ka-boring ang buhay ko. pati tae napapapansin ko. pero habang tumatae naman ako kasabay naman non ang pagmumuni-muni. sinisimsim ko ang katahimikan ng kubeta at hinahayaan kong maglakbay ang aking sapantaha sa mga lugar kung saan sandamakmak at walang hangganan ang mga ideya. tapos kasabay ng pagbagsak ng tae - plok. epiphany. mapapangiti na lang ako at mapapatango. pagisipan mo nga ito:
"ang tae, parang ugali ng tao - hindi mo agad maaamoy ang baho ng sarili mong tae."
ang kathang ito ay tungkol sa:
pa-deep,
tae,
weird shitz
Friday, February 4, 2011
Loveletter ng Isang Torpe
Dear Nene,
pwede ba kitang ligawan?
Alam mo bang crush kita? Kung hindi, edi ngayon alam mo na. Oo nga, crush kita. Palagi kitang inaabangan sa school. Hindi para banatan o daragin pero para masulyapan ko lang ang iyong mala-Belo commercial na kagandahan. "Only Belo touches my skin, who touches yours?". Parang ganun. Kapag nakikita kita, kumpleto na ang araw ko para kang fertilizer na may ampat na sustansya para sa isang lantang halaman tulad ko. Hindi mo lang alam, kabisado ko ang sched mo. Alam ko kung san ka dumadaan pagtapos ng mga klase mo. Pero wag mo sanang isiping stalker ako ha. Crush lang talaga kita. Marahil ganito siguro ang naisip ng Diyos para sipagin ako sa pagpasok sa school. Kung ganun man, napakatalino Niya talaga. Binigyan nya ako ng inspiration. Swerte ko nga e, wala pa mang pasko, birthday o anu pa mang mahalagang okasyon ay niregaluhan na nya ako. Kaso, hanggang tingin lang ako e. Pero sa totoo lang, masaya na ako dun. Basta makita kita sa isang araw makakangiti na ako. Para kang pustiso - i can't smile without you (at oo, ikaw na nagbabasa nito, nanood ako ng my amnesia girl). Wag ka sanang magagalit, ako yung nag-ipit ng bulaklak dun sa notebook mong naiwan mo sa library. Alam ko namang puno ng notes mo yun sa math pero ginawa ko pa rin. Sorry ha. Alam mo ba may isang beses nagkatabi tayo sa pila sa cafeteria. Yun yung tipo ng pagkakataon na bihirang bihira lang mangyari. Yung tipong may special coverage pa talaga ng lahat ng TV network katulad na lamang pag may solar eclipse, may kinakasal na artista, may SONA ng presidente, may hostage crisis, may nangbato ng bote kay Justin Bieber o may tumalong tipaklong sa kaparangan ng Hacienda Luisita. Edi ayun nga, nagkatabi tayo sa pila - once in a bluemoon chance. Tapos nung magbabayad ka na, sakto namang kukuha ako ng sukli. ibinigay sakin nung tindera yung inabot mong bente. Biruin mo yun? Wala pang isang minuto lumisan sa kamay mo, nasa kamay ko na! What are the odds di ba? Napatingala ako sa langit at pabulong ko tinanong si Papa Jesus. Ito na ba yung sign na hinihingi ko? Alam mo bang nakatabi pa yun sa mga precious gamit ko? mas mahalaga pa yun kesa sa 100 peso bill na gloria arrovo o yung up centennial. Tapos nung valentines day, ibinili kita ng rosas pero sa hiya ko, ipinaabot ko dun sa isang kaibigan mo. Kaso nakita naman daw ng gf nya, napilitan tuloy syang ibigay. Babayaran na lang daw nya. Edi tuloy, sumulat na lang ako sa isang yellow paper at nagdrowing ng bulaklak. Hindi ako batikang pintor o kahit anung lebel man ng husay sa pag-guhit pero para sa akin mukha naman nang rosas yung drowing ko. Itinupi ko yung papel at ginawa kong eroplano at pinalipad ko sayo. Tumama ito sa mata mo at nagalit ka kaya't kumaripas ako ng takbo. Di ko tuloy nakita kung nabasa mo ito o itinapon lang. Nabasa mo ba? O itinapon mo lang? (paki-sulat na rin sana sa reply yung sagot.) Siguro kilala mo na ako kasi inapprove mo na ako sa facebook eh. tapos naaalala mo, may fan page ka bigla? Ako ang gumawa nun eh. Tapos fina-follow din kita sa twitter at tumblr. Alam mo ba nung isang araw habang naglalakad ka papuntang lobby, bigla kang napalingon sa akin at nakangiti ka. Ewan ko ba pero alam ko namang hindi para sa akin yung ngiting iyon ngunit natunaw mo pa rin ang puso ko. Biglang parang lumutang ang katawan ko sa sarap ng pakiramdam. Para akong tanga at ilang minuto akong nakangiti sa kawalan. Alak ka ba? Lakas kasi ng tama ko sayo eh! (At oo ulit, My Amnesia Girl banat...) Gusto sana kitang lapitan at makipagkilala pero nahihiya talaga ako. Ipinakilala ka na sakin nung kaibigan mong kakilala ko pero parang wala lang naman sa iyo. In-offer ko nga yung kamay ko para makipag-shake hands pero hindi mo ata ito napansin. Tina-try ko lumapit sayo at makipagusap pero lagi ka naman may kasama. Gusto sana kita maging kaibigan. at kung papalarin man, mas higit pa run. Kaso natotorpe talaga ako e. Panu ba naman, sa ganda mong yan alam kong marami ka nang manliligaw na hamak namang mas mukhang tao kesa sa akin. Kumbaga eh para tayong langit at lupa -langit ako, lupa ka. Jaz kidding. Baliktad pala -ako yung amoy lupa. Sumulat ako para malaman mong may pagtingin ako sa iyo. Sana pansinin mo na ako pag nagkita tayo ulit sa school. Kung hindi man, sagutin mo na lang sana itong sulat kong ito. Itatanong ko lang sana kung:
A. OO
B. HINDI (ipaliwanag)
isulat sa patlang:
____________________________________________
Love,
Totoy
ang kathang ito ay tungkol sa:
pagibig
Wednesday, February 2, 2011
BUCKET?
minsan siguro sa buhay ng bawat tao, dumating tayo sa punto na magtataka tayo sa isang partikular na bagay. maaaring suliraning panlipunan. pwede rin namang magtaka ang isang tao kung paano pagaganahin ang bagong biling laptop. may mga sumasangguni sa aklat. may mga naghahanap ng sagot sa wikipedia, google at bing datkom. may ilan namang rumerekta ng tanong sa mga eksperto - parang close lang.
bakit? why? paano?
tila ba lahat ng bagay ay dapat may paliwanag. hindi naman siguro masama ang maging curious diba? pero kung minsan lahat ay hinihingan na natin ng rason at paliwanag. bakit ganito, bakit ganyan. kung tutuusin, may maganda namang naidulot ito sa lipunan dahil sa curiosity ng mga siyentipiko at mga imbentor na nagpadali ng way of living ng mga tao. kung hindi nagtaka ang wright brothers tungkol sa makinarya ng paglipad, edi wala sanang erplano ngayon. kung hindi nagtaka si alexander graham-bell, edi wala sana tayong blackberry at iphone.
pero ang tanong, hanggang saan ba titigil ang pagnanasa ng tao sa karunungan? ano nga ba ang ultimate knowledge na magbibigay tuldok sa mga pagsasaliksik at pagtataka?
minsan may isang taong nagtaka kung anong misteryo mayroon ang panaginip. minsan may isang taong nagtaka kung bakit masama ang tingin ng marami sa ideyolohiya ng komunismo. minsan may isang taong nagtaka kung bakit kahit wala namang matres ay dumarami ang mga bading at kung bakit naging kasalanan ang maging isang bading. minsan may isang taong nagtaka kung bakit sa magkasabay na oras, kayang buuin at wasakin ng pagibig ang isang tao. minsan may isang taong nagtaka kung saan nga ba nagmula ang tao, ang mundo, ang universe. minsan may isang taong nagtaka kung mayroon ba talagang diyos. kung mayroon, sino siya? si jehovah? si buddha? si allah? si vishnu? si jose rizal? si lucifer? minsan may isang taong nagtaka kung totoo ba ang langit? ang lupa, oo. eh ang im-im-impyerno?
saan mo nga ba hahanapin ang mga sagot sa mga ganitong uri ng tanong? yung mga tipo ng tanong na nakakabaliw. yung mga tipo ng tanong na hindi ka sasagutin ng mga tuwirang sagot ng mga eksperto. mamimilosopo o paiikut-ikutin ka lang pero hindi naman talaga masasagot yung mismong tanong mo.
diba nakakabaliw? sa sobrang pagtataka, kahit sarili mong paniniwala/pananampalataya ay tila unti-unti na ring nanghihina. parang pader na kahit anung oras ay matitibag ng malakas na bayo ng hangin. totoo nga bang ganito? totoo nga bang ganyan? tama ba ang pinaniniwalaan ko?
pero kung tutuusin, simple lang naman ang sagot sa lahat. mahirap nga lang hanapin - pruweba. konkretong patotoo. para sa akin, iyan ang tatapos sa lahat ng tanong. hindi na mahalaga kung paano basta makahanap ng sagot na may ampat na pruweba. to see is to believe. ito ang kailangan, kung nais mo ng katotoohanan dahil sabi nga ni gus abelgas, hindi nagsisinungaling ang ebidensya.

pa-deep
Tuesday, February 1, 2011
ITANONG MO KAY KUYA BAB
magandang gabi sa inyong lahat. narito na naman po tayo sa isang episode ng ITANONG MO KAY BAB kung saan magbabasa po tayo ng mga liham ng mga taong may katanungan at hindi makahanap ng kasagutan. mga taong umiibig, nagdaramdam at mga sadyang papampam lamang. lahat ng iyan ay sasagutin dito lang sa...
<insert drumroll>
ITANONG MO KAY KUYA BAB.
Dear Kuya Bab,
May nais po sana akong itanong sa inyo. matagal ko nang kinikimkim ang suliraning ito sa aking sarili. medyo may kabigatan po talaga ito, kasingbigat ng panty ng nanay ko pag nabasa. ganito po kasi yun, kuya bab, bale may naisip lang kasi ako. what if po, what if lang naman. pano kung palitan natin yung salitang "suka" ng salitang "tamod". yung tagalog ng "vinegar". kumbaga, imbes na sabihin natin ang salitang "suka" gagamitin natin yung salitang "tamod". yung tagalog ng "semen". hindi naman sya bastos kasi salita lang naman ang gagamitin. ang kulit isipin diba? isipin mo na lang kung sa totoong buhay na diba?
NANAY: gwyneth, ibili mo nga ako ng tamod kina mang estong. wag kina mang efren ha, matabang ang tamod nun.
GWYNETH: eeeeh... naglalaro pa ako ng mario kart sa nintendo wii eh..
NANAY: punyeta ka! hindi masarap ang adobo kapag kulang sa tamod!
GWYNETH: (sa tindahan) *katok ng barya* paaagbilaaan. may tamod po kayo?
MANG ESTONG: ay wala na ne, ubos na. inubos ni aling tasing ngayon-ngayon lang.
GWYNETH: (sa bahay) nay, wala nang tamod si mang estong, inubos ni aling tasing.
di ba kuya bab? ang kulit kapag pinalitan yung salitang "suka" ng salitang "tamod". grabe, anu sa tingin mo kuya bab? grabe kasi e. grabe talaga. antagal nang gumugulo nito sa isip ko. kaya naisip kong ibahagi na lang ang suliraning ito sa ITANONG MO KAY KUYA BAB. anu nga kaya kung palitan natin yung salitang "suka" ng salitang "tamod" diba? nakakatawa diba? diba kuya bab? nakakatawa? natatawa ka ba?
Nagmamahal,
Bhoyett
PS: nakatikim ka na ba ng tamod?
****
Dear Bhoyett,
putanginamo. putangamamo. putangangkanmo. ang kulit ng lahi mo. pumunta ka sa quiapo dun ka maghanap ng makakausap mo.
bumili ka ng isang tangke ng suka, tawagin mong tamod. tatakan mo ng tamod. sulatan mo ng tamod. ipagkalat mo. ipa-dyaryo mo.
Napipikon,
Bab (aka boy badtrip)

NINJA STALKER
Dahil baka nariyan lang ako anumang oras o lugar. Baka ako ang kahit sino’t kahit anong hindi mo inaasahan.
Ang mayonaise sa iyong tinapay; ang moth balls sa iyong kabinet Ang bula sa iyong gatas; ang reta retasong anino ng gabi; Ang pasas na ayaw mong kainin; ang mga katok ng patak ng ulan; Ang paglubog ng tubig sa inyong kubeta; ang cilantro sa iyong pho; ang buhok sa iyong ilong; Ang iyong labi, ang iyong nunal, itim na buhok at itim ng mata; Puting ngipin at pulang gilagid, ang iyong anit, ang iyong balat; Kahit ang kuko mo sa paa.
pagkat ako ang ninja stalker sa pagibig mong mailap.
ang kathang ito ay tungkol sa:
pagibig
Sir Arcilla, Sir Ed Villegas and Sir Doti Abaya of the Department of Social Sciences UP Manila. |
Professors in solidarity with their students, staying true to their pledge to enlighten us, transcending the walls of our classrooms and leading each step to the national democratic ideal.
ang kathang ito ay tungkol sa:
subersibo
S.A.D.
ito yung araw na tataas ang benta ng mga bulaklak, hahaba ang pila sa mga restaurant, mapupuno ang mga sinehan, magliliparan ang mga matatamis na txtmsgs, magigimbal ang mga motel at magiging kulay pula ang kapaligiran. ito yung araw maliban sa pasko na punong puno ng komersyalismo at "pagmamahalan". yung araw na paborito ng mga magkakasintahan - ang independence day este valentines day.
ito yung tipo ng araw na darating at darating kahit hind mo hinihintay. ito yung isang araw na ipamumukha sayo ng mundo na ika'y nag-iisa, walang ka-date, walang ka-balentayms. sa isang punto, makakaramdam ka ng maginaw na ihip ng hangin na para bang nangungutya at sasabihing, behlat, wala kang kayakap.
sad.
singlehood awareness day para sa mga nais mag-celebrate kahit walang kasintahan. para sa mga nagpapanggap na masaya kahit sa ilang oras man lang ng pakikipagtawanan sa mga kapwa nag-iisa. kokonsumo ng alkohol at magsasayawan na tila walang mga iniindang sakit ng kalooban. pagkatapos ng lahat ay gigising sila sa kani-kanilang mga sariling buhay. bubuhos ang liwanag ng panibagong araw kasabay ng maginaw na ihip ng hangin na patuloy pa rin sa pagsasabi ng behlat, wala kang kayakap.

LA INDOLENCIA
at syempre ngayon na lang ako nakapag-blog muli. sa totoo lang, kahit maya't maya ang update ko sa twitter ay wala talaga akong ampat na panahon upang maupo sa harap ng computer at mag-blog. pero syempre, tutal day-off ko naman, bakit hindi ko naman bigyang atensyon ang aking kabago-bago ay nagha-hiatus mode agad na blog.
akshuli, tamad ako kung huhusgahan ninyo ang panlabas na aspeto ng aking pagkatao. pero kung susuriin ninyong mabuti at oobserbahan ang aking pang-araw araw na rutinaryo sa buhay, malamang sa masasabi ninyong, oo, ako nga ay isang tamad.
pero sandali lang, paano mo nga ba masasabing tamad ang isang tao?
ayon sa merriam-webster dictionary, ang laziness o indolence ay yung pagtanggi o pag-ayaw sa isang gawain. kung ito lang ang pagbabatayan, oo, sige, aprub, oo ulit, tamad na ako. pero pag-isipan ninyo, katamaran bang maituturing kung ang pagtanggi sa isang gawain ay may ampat namang dahilan?
halimbawa na lamang kaninang umaga. limang minuto bago mag-alas 6, inutusan kami ng mommy ko na mag-jump ng kotse nya dahil ayaw mag-start - umayaw ako. una, dahil kagigising ko lang at hindi pa iyon ang kabuuan ng aking pagkagising dahil bumangon lang naman ako upang magbawas ng timbang sa proseso na tinatawag nating pag-ihi. pangalawa, mababa ang temperatura sa labas ng bahay na may sapat na lamig para mamanhid ang iyong mga daliri. at pangatlo, marami pang oras ngayong araw na hindi gaanong madilim at malamig para mag-ayos ng kotse at pahabol pa, dahil alam kong inuutos nya lang iyon out of impulse dahil hindi naman nya kailangang gamitin yung kotse sa mga oras na iyon. wala lang, trip nya lang ipagawa agad. kahit wrong timing. kahit pwede naman mamayang tanghali.
at syempre, magba-blog lang ako tungkol sa isang pangit na umaga, kung anu-ano pang shitz ang sinasabi ko. aminado naman ako, tamad ako. pero kadalasan, mas pinipili kong maging tamad dahil mayroon naman akong ampat at makatuwirang dahilan.
coz i aint nobody's bitch.

Subscribe to:
Posts (Atom)