at syempre ngayon na lang ako nakapag-blog muli. sa totoo lang, kahit maya't maya ang update ko sa twitter ay wala talaga akong ampat na panahon upang maupo sa harap ng computer at mag-blog. pero syempre, tutal day-off ko naman, bakit hindi ko naman bigyang atensyon ang aking kabago-bago ay nagha-hiatus mode agad na blog.
akshuli, tamad ako kung huhusgahan ninyo ang panlabas na aspeto ng aking pagkatao. pero kung susuriin ninyong mabuti at oobserbahan ang aking pang-araw araw na rutinaryo sa buhay, malamang sa masasabi ninyong, oo, ako nga ay isang tamad.
pero sandali lang, paano mo nga ba masasabing tamad ang isang tao?
ayon sa merriam-webster dictionary, ang laziness o indolence ay yung pagtanggi o pag-ayaw sa isang gawain. kung ito lang ang pagbabatayan, oo, sige, aprub, oo ulit, tamad na ako. pero pag-isipan ninyo, katamaran bang maituturing kung ang pagtanggi sa isang gawain ay may ampat namang dahilan?
halimbawa na lamang kaninang umaga. limang minuto bago mag-alas 6, inutusan kami ng mommy ko na mag-jump ng kotse nya dahil ayaw mag-start - umayaw ako. una, dahil kagigising ko lang at hindi pa iyon ang kabuuan ng aking pagkagising dahil bumangon lang naman ako upang magbawas ng timbang sa proseso na tinatawag nating pag-ihi. pangalawa, mababa ang temperatura sa labas ng bahay na may sapat na lamig para mamanhid ang iyong mga daliri. at pangatlo, marami pang oras ngayong araw na hindi gaanong madilim at malamig para mag-ayos ng kotse at pahabol pa, dahil alam kong inuutos nya lang iyon out of impulse dahil hindi naman nya kailangang gamitin yung kotse sa mga oras na iyon. wala lang, trip nya lang ipagawa agad. kahit wrong timing. kahit pwede naman mamayang tanghali.
at syempre, magba-blog lang ako tungkol sa isang pangit na umaga, kung anu-ano pang shitz ang sinasabi ko. aminado naman ako, tamad ako. pero kadalasan, mas pinipili kong maging tamad dahil mayroon naman akong ampat at makatuwirang dahilan.
coz i aint nobody's bitch.
No comments:
Post a Comment