Wednesday, February 9, 2011

isang kwento



<partly fiction>

naalala mo nung minsan, sinulatan kita gamit yung isang pilas ng notebook ko sa technical writing. sabi ko sa sulat, bakit mo ako iniiwasan? may problema ba tayo? marami pa akong sinabi bukod doon pero ang punto ko lang naman ay kung bakit mo nga ba ako iniiwasan. sinubukan ko pang itupi yon nang pahugis puso pero hindi pala ako marunong kaya itinupi ko na lang ng dalawang beses saka ko ipinaabot yung sulat sa best friend mong kasamahan ko sa school chorale. matapos ang isang gabing puno ng pangamba, agam-agam, haka-haka at kung anu ano pang shit, kinabukasan ay inabutan ako ng best friend mo ng sulat mula sayo. nakasulat din sa isang pilas ng notebook sa isang siguro hindi gaanong importanteng subject. nang basahin ko yung sulat, maraming salitang pasensya, patawad at salamat. at iyon na nga yung huli mong sulat. paguwi ko sa bahay, dumerecho ako agad sa kwarto ko bitbit ang mabigat kong bag at kalooban. hindi ako nakapaghapunan kahit amoy na amoy ko ang samyo ng masarap na adobong manok na ginamitan ng nanunuot na sarap ng datu puti soy sauce at datu puti suka. humiga ako sa kama pero hindi ako natulog. pikit ang mata ngunit gising ang diwang pinupuno ng mga tanong - mga bakit at paano. magdamag kong binasa yung unan. sabi ko sa sarili ko noon, susubukan na kitang kalimutan.

highschool pa lang tayo non.
pero hanggang ngayon, sinasabi ko pa rin yan sa sarili ko. damn.

</partly fiction>



No comments:

Post a Comment