Monday, February 7, 2011

withdrawal syndrome

pagkalito. 

sinimsim ng kalituhan ang kanyang ulo. nakakabaliw. nakakatakot. anu nga bang nagpasok sa kanya sa ganitong gulo? kalungkutan? kabiguan? 

pag-iisa. 

bakit nga ba ako nagkaganito? nagkakaganito? nagpapaganito? ikaw, putangina mo. putangina ko rin. lahat tayo'y mga hangal. bakit pa ginawang bilog ang mundo kung mananatili lamang tayo sa ilalim nito? umiikot ito palibot sa araw para magkaron ng season change na tinatawag ngunit bakit para bang nahinto na tayo sa unos? kurimaw pala ang Diyos na gumawa ng planeta mo kung ganon. binigyan nya ako ng buhay para lang magdusa sa mundong ito. i'm not fucking jesus christ!

ang katotohanan? lahat tayo'y mamamatay na mag-isa. nag-iisa. walang kaibigan, walang kapatid, walang pamilya. ikaw, mag-isa mong haharapin ang kamatayan. tanggapin mo na lang. truth hurts, reality bites. hindi ako nagbibiro. HAHA! hindi ako nagpapatawa. LOL. ROFL. kinabog lang tayo ng lipunang ito. walang kapayapaan. lahat tayo'y may kanya-kanyang kasakiman. at sa bandang huli'y lahat tayo'y magpapatayan. bata, matanda. kalalakihan. kababaihan. kabaklaan. maging ang mga tomboy na may malalaking tsinelas at nakarolyong manggas ay makikipagpatayan para sa kani-kanilang buhay. 

nauuhaw ako. 

ang usok. ang espiritu. gumagalaw ang aking mundo. nanginginig ako. lumilindol. kumulog nang malakas. magulo! katapusan na ba ng mundo? bakit nga ba ako nagkakaganito? dalawa na ang paningin ko. umiikot. pabilis nang pabilis. ayoko na! suko na ako! di na ako uulit! 

tulungan mo ako. 

ayoko nang maging mandurugas. ilayo mo ako sa diablong naglalaro sa aking lalamunan. sa aking ulo. sa aking kaluluwa. ayoko nang maging bato-balani sa droga. 

tulungan mo ako. 




No comments:

Post a Comment