Thursday, December 31, 2015

year-ender chuchu

Sabihin na lang nating I'm ending this year na mas masaya at may mas solid na pundasyon sa pagkatao.

Mas malaya. Mas kuntento. Mas matibay.

Wala akong new years resolution. Di ako naniniwala sa ganon dahil para sa akin ang pagbabago e tuloy-tuloy lang - isang consistent na proseso. Take every opportunity para pagbutihin ang buhay, ganon. Instead of resolutions, bumuo ka na lang ng mga goals na pwede mong maisakatuparan para sa paparating na taon; goals na makatotohanan at may praktikal na epekto sa buhay mo.

Wala akong laptop ngayon kaya maiikli lang ang mga lathala ko lately pero ayos lang, at least buhay na buhay pa rin ang blog na ito. hehehe. 

Saka ko na iku-kwento yung mga 2016 goals ko. O sya, paalam 2015!

Wednesday, December 30, 2015

Laong Laan


Isang taos pusong pasasalamat at rumarakenrol na pagpupugay para sa nag-iisang pambansang bayani, Gat. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.

Sunday, December 27, 2015

B

ayos maging makata
sa mga gabing ika'y lumuluha
may pagsisidlan ang mga salita
na naguukit ng mga hiwa
humihina ang pagtangis
sa pagsibol ng mga tula
kumakalma ang pag-alon 
ang daluyong ng emosyon
ang panaghoy
ang pagsinghal
ng isang pusong pagal
kaya ayos maging makata
ang wasak na damdamin
ibuhos sa pagtula

ayos maging makata
sa mga araw na puno ng sigla
may pagsisidlan ang mga salita
na gumuguhit ng mga tawa
ang naguumapaw na tamis
isangkap sa mga tula
palayain mula sa kahon
ang mga ikinukubling emosyon
ang galak
ang kilig
ng isang pusong umiibig
kaya ayos maging makata
ang rumaragasang damdamin
ibuhos sa pagtula

Tuesday, December 22, 2015

it's like breathing in the stars, igniting peculiar sparks inside every bit of my being; when you kiss me i die and i survive beautifully.



it's "KAPWA" written in ancient philippine script called baybayin. kapwa translated in english, means shared identity, togetherness, or brotherhood. a simple reminder of sharing one's self to others. 

Friday, December 18, 2015

makulay

sa pagitan ng itim at puti
ngumingiti
tumatangis
tumatawa
kinikilig
kinakabahan
nangangarap
kayraming kulay
ang magpipinta sa ating buhay
walang sigurado
puro posible
pero araw-araw
ikaw ang pinipili ko
ang maging makulay
sa piling mo

#colorful

Monday, December 7, 2015

I see the light

Habang nagmumuni-muni kanina dahil ang haba ng sermon ng pari, napaisip ako kung totoo na nga ba itong pagbabalik loob ko? I guess. It's what my heart says. Kung kilala mo ako, masasabi mo siguro na sobrang contradicting nito sa mga pinagsasasabi ko dati. Para sa akin kasi, mahalaga ang ibase ang mga decisions mo sa mga objective na ebidensya - factual, konkreto. I'd prefer na may scientific o rasyonal na paliwanag ang mga bagay-bagay, hindi yung basta galing lang sa personal na opinion. May nagtanong dati kay Dalai Lama, pano raw kung one day e may makapagbigay ng isang malupit na scientific explanation at ma-disprove ang kanyang spiritual na paniniwala. Ang sagot nya, if ever that happens, he'll change his faith. I'd probably do that too kung mayroon ngang makapagbibigay ng isang maliwanag na explanation kung bakit bullshit lang ang ideya ng pananampalataya sa Diyos. I'm open to being wrong and if that's the case I'm always open to accept change.

Ako, personally, I always try to go towards what I think is "correct" although syempre minsan nalilihis tayo ng landas pero you get what I mean. Kung alam mo ang batas, susunod ka. Morality wise, I think it's innate naman na sa ating mga tao na malaman kung anong tama sa mali. Nobody told me it's wrong to kill my mom, but of course I won't do that. Ganern. I also tell people not to be slaves to these social norms. Wag kang magpadikta sa kung anong nakasanayan na ng kultura. Be brave to get out of the box as long as you're happy and it's not harmful to anyone. I thought that's enough.

That was me.

So why did I choose to believe again in God?

Isipin mo yung mga worms - oo, bulate. Wala silang ilong, mata, tenga, o dila. Ang alam lang nila ay gumapang at kung anu-ano pang bulate related stuff. They don't have any other senses except for sense of touch. They have never seen light. Yun lang ang mundo nila - anything else above their existence are unimaginable to them.

Now, look at the bigger picture. As of now, despite all the technological advances and breakthrough discoveries, still, we don't have concrete explanations about some things like dreams, consciousness, and love. We're still living among these mysteries. We don't even have same eyes that some other species have. They perceive light in ways very different from how we do, like butterflies and some other insects can see a wider spectrum of colors that we, humans, are not capable to perceive. Snakes can see infrared. Bats are blind but they can use a sonar system for navigation. See, we are limited in so many different levels so I don't see any point in just relying on human intelligence to find all the answers for everything. What if tayo yung mga bulate? Na bukod sa mundong nae-experience natin ay mayroon pang mas malawak at mas powerful na sumasaklaw sa kabuuan ng lahat ng ito? What if there's really a possibility of a higher existence above us? We'll never know at least for now - that's why we call it "faith".

So this thing about getting scientific reasons for everything, for me, is not entirely appropriate anymore. Sometimes we really have to take a leap of faith. Hindi naman lahat may paliwanag. Hindi sa lahat ng oras, makukuha natin yung paliwanag na hinihingi natin. Minsan mararamdaman mo na lang yun. Basta yun. Come on, we all probably experienced that feeling already. Nawmsayin? That feeling that you can't even describe but it just feels right; that gut feeling, instinct, intuition, or whatever you want to call it. In the end, babagsak at babagsak din tayo doon sa ating pagiging unique na indibidwal at maniniwala depende sa kanya-kanyang mga emotions at realizations, depende sa kanya-kanyang mga experiences at kultura, at mga aral na nakadaupang palad sa paglalakbay natin sa buhay.

I chose to believe in God. I believe there is a God. I can feel there is one and that's enough for me.



Hindi ako mananatili sa pagiging isang bulate. Hindi ako mananatiling nakapaloob sa mga limitasyon ng mundong ginagalawan natin ngayon.

I'm choosing to see the light.

Wednesday, December 2, 2015

USAPANG PALITIKS MUNA...

I remember last year (if I'm not mistaken) Ramon Bautista was declared Persona Non Grata in Davao by Mayor Duterte because the former jokingly said "maraming hipon dito". Duterte told the comedian to be more SENSITIVE of what you say in public and what not so that people won't get offended. 

- the same person who recently said in national tv: "PUTANG INA MO, POPE."

The context of his statement does not matter so don't debate me on this, please, don't humiliate yourself. He still put "putang ina" and "pope" in one sentence.
mahal kita. di ko alam kung bakit.

basta. 

Monday, November 30, 2015

XSVN 2015

Eleven months seemed to be too short for a nursing program. It really is. That's why everything has to be done so quickly and on time that I almost forgot how it feels to have a normal sleep, at night, in a bed. But see, looking back through the days from the moment I finished the comprehensive exam to that very first day I was sitting in a crowded classroom with nothing but uncertainty, clueless of what kind of trouble had I gotten myself into, those eleven months seemed to be such a very long time - a collection of vivid memories, unforgettable experiences, and moments that blemished our lives in different ways.


Within those eleven months, I was able to witness life and its course towards its end. I've experienced witnessing an actual birth, holding a newborn, feeding an infant, playing with a kid, talk to a teenager, assess a sick adult, shower an elderly person, held a dying person's hand, and deliver a corpse to a morgue. There were so much to learn during lectures and clinical rotations, it was up to you to grasp everything you can.

Within those eleven months, I was able to meet and make connections with new people. I've met different kinds of people, each of them with different stories to tell and lessons to share. I was able get to know my teachers and appreciate how their different styles and level of passion contributed to what I have accomplished now. Those strangers in the classroom became friends.

Few months may seem a little bit too short but may also be sufficient enough to build meaningful and lasting friendships. We shared not only the classroom but basically 11 months worth of our lives with one another. We shared stories, notes, test answers, food, coffee, rides, secrets, problems, laughter, smile, and tears. We pushed each other to do our best. We lifted each other when one is down. The whole eleven months of learning will never reach its optimum value without these people.

Within those eleven months, I was tested.


Sleep had become a luxury for me during the whole program. I had to work at night and still be alert for learning during the day. For most days of the week, my car became my closet and my bedroom. Maslow wouldn't be proud of how poorly my physiologic needs were met. Financially, I struggled too - big time. My schedule at work was cut to half when I switched to night shift and I wasn't able to get enough financial aid because of what I earned from last year. I didn't really get how that works but bottomline is I didn't get enough financial aid so I had to pay some parts of my tuition fee out of my own pocket. So having that additional bill to my monthly expenses, I maxed out my credit cards and used up all my savings. It came to the point that I had to borrow money from my family, friends, and co-workers to get by and to settle my balances in school.

More than physically, It was emotionally draining. Having issues aside from the daily dosages of stress from school and work, the whole process was an ultimate test of patience. There were so many things inside to deal with and balance just to keep me sane for the whole time. Miraculously, I found my way back to the arms of God - which is one of the highlights of this whole journey for me. Thanks to this special person who led me to this path.

She was the one who distracted me the most and also the one who pushed me the most. I've found a great partner in her despite our age difference. She's the most talented and most beautiful person I've ever met so far; strong and intelligent; humble yet very confident. Aside from this accomplishment, she's the best gift this year had given me.

Today, one might say "we're finally done!" but no, this is not and shouldn't be the end of the journey for us. We just finished one phase and we should get going with the next one. The dreaming never stops; the hustle never stops. Here's to the wonderful eleven months and to the months and years of new adventures to come!

Hell yeah! 

Sunday, November 29, 2015

Wednesday, November 25, 2015

ikaw ang leche flan sa masarap ko nang halo-halo;

ang bahaghari sa maaliwalas ko nang langit;

ikaw ang arnibal sa malasang taho;

ang karagdagang tamis;

ang karagdagang lakas, inspirasyon na nakaka-hyper.

may extra order ng sigla;
may additional scoop ng saya;
may kilig on the side ang bawat araw
sa pagdating ng nagiisang ikaw.

ang dati ko nang good ay pwede pa palang maging better.

ikaw ang duper sa aking super.

Saturday, November 14, 2015

Tuesday, November 10, 2015

ang hirap magdecide kung sinong karapat dapat iboto o kung may karapat dapat nga ba na iboto bilang pangulo ng bansa. eh ang siste kasi, aalamin mo muna kung sino ang mas konti ang nagawang kasalanan/kapalpakan. parang pinapapili ka kung anong gusto mong ipapamalo sayo ng nanay mo - hanger, tsinelas, o sandok. iisipin mo kung ano yung pinaka konti ang sakit kahit alam mo naman lahat yon e iindahin mo rin. 

tapos kung makaharap sila sa media akala mo kung sinong ambabait na may dalisay na puso para sa kapakanan ng inang bayan. huwaw! parang isang malaking version ng pinoy big brother - lahat sila "nagpapakatotoo". para kang tinanong kung ano ang mas tunay, yung ilong ni regine velasquez o yung suso ni ellen adarna.

i don't wanna sound so pessimistic but i don't think there will be any big change coming to our country soon. hindi naman nakukuha sa pagpapalit ng presidente yan. collective effort naman kasi ang pagunlad. meaning, kasama rin ang taong bayan sa dapat magbago. kaya wag puro sisi sa gobyerno - gumalaw rin kayo, wag magpakabobo.

Sunday, November 8, 2015


Saturday, October 31, 2015

a big fraction of what’s wrong with the world roots from the fact that people care too much about what the world owes them more than what they owe to the world. so self-centered that they demand things they don’t even give or at least understand the meaning - like time, respect, and love.

Friday, October 30, 2015

"...dahil hindi ba't sapat na kabayaran ang sakit para sa pagmamahal; hindi ba't mas tinataya natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal?"

- Juan Miguel Severo

Thursday, October 29, 2015

“In the years afterward, I fled whenever somebody began to understand me. That has subsided. But one thing remained: I don't want anybody to understand me completely. I want to go through life unknown. The blindness of others is my safety and my freedom.”

- Pascal Mercier, Night Train To Lisbon

Sunday, October 25, 2015

PROLOGUE

Sa isa na namang pagkakataon, sinulyapan na naman niya ang orasan sa dingding - katabi nito ang mga poster ng iba't ibang unibersidad at mga printed na quotes na nagmumungkahi na abutin mo ang iyong mga pangarap. Kasabay ng paglalakbay ng kanyang mga mata sa mga kakaibang palamuti sa opisinang ito, rinig niya ang mga daldalan ng mga tao sa paligid. Tumingin sa cellphone at ibinalik sa bulsa. Muli na naman niyang tiningnan ang orasan.

Suot mo pa rin yung ngiti na nakuha mo mula doon sa kabilang silid. Iba ang sayang nararamdaman niya sa tuwing makikita ka niyang ganyan kasaya - may kakaibang sigla. Isang bahagi na naman ng iyong pagkatao ang kanyang nakilala. Habang nagsasalita ka ay pinagmamasdan niya ang bawat pagbukas ng iyong mga labi; yung kakaibang sparkle ng highlighter sa iyong mukha hanggang sa maliliit na detalye ng bagong linis mong kuko. Hinihimay ang bawat butil ng kagandahan ng nag-iisang ikaw mula sa pinakamalalim hanggang sa pinakamababaw na bahagdan ng iyong katauhan. Masaya kayong nagkukwentuhan tungkol sa buhay at sa mga nais ninyong mangyari sa future kahit sa likod ng kanyang sapantaha'y alam niyang wala sa mga ito ang may kasiguraduhan. Walang permanente sa mundo. Lahat ay may hangganan, nagbabago. Muli na naman niyang sinulyapan ang orasan.

Hindi.

Hindi siya naiinip. Hindi rin naman niya nais na patagalin ang oras. Nais lang niya itong huminto. Nais niyang patigilin ang oras at simsimin ang moment na ito na kayo ay magkasama at malayang lumilikha ng mga plano, mga pangarap. mga siguro, mga baka, mga sana. Sa mga pagkakataong hawak mo ang kanyang kamay; sa mga tahimik na hapon na pinagmamasdan ka niyang natutulog sa kanyang sasakyan; sa mga segundong magtatagpo ang inyong mga labi - nais niyang pahintuin ang oras at tahimik na lalangoy sa naguumapaw na emosyon sa kanyang dibdib.

X MARKS THE SPOT.

Ibinahagi niya sa iyo ang mga ideas niya tungkol sa isang nobelang nais niyang isulat na wala pa mang laman ay mayroon nang nakalaang pamagat. Nagustuhan mo ito at nagbigay ka rin ng input sa kung paanong posibleng matapos ang kwento ng isang kakaibang tauhan. Isa itong mahaba at kakaibang lovestory na may hugot mula sa mga dramang pampamilya, personal battles, magsing-irog, at magkaibigan. Hanggang sa kotse ay muli ninyo itong napagusapan. Hawak mo ang kanyang kamay at sa maiikling pagsulyap ay pinasasaya siya ng iyong mga ngiti at kinang ng iyong mga mata. Paano nga kaya kung kaya niyang patigilin ang takbo ng oras at kahit sa maikling segundo lamang ay marahan ka niyang hahagkan?

Isang hapon ng Biyernes na puno ng masasaya at makabuluhang kwentuhan...

... isinilang ang kwento ng buhay ni Jonathan.

Saturday, October 24, 2015

parang ilog
na patuloy sa pag-agos;
ang nahawakan mong tubig
ay magpapatuloy
at hindi na muling mahahawakan pa
sa pangalawang pagkakataon;
parang oras na lumipas;
parang dagat na walang tigil sa pag-alon;
parang iisang pagibig
na hindi mo na mauulit pa
at hahawakan mo ang iyong mga mata

- umaagos ang nawawalang tubig.

Thursday, October 22, 2015

sepanx

natural lang naman...

...na kapag may isang taong mahalaga sa buhay mo e ayaw mong mahiwalay sa kanya.

clingy?

hindi. alam mo namang alam ko ang puwesto ko sa buhay mo. may halong elemento ng "umaasa" at "nalilito" pero kung susumahin natin ang lahat sa kung anong "napagusapan" at hindi sa mga tagong feels at pakiramdaman, mananatili pa rin tayo doon sa label na "magkaibigan".

ideally, oo, naiintindihan at tinatanggap ko naman. pero sino bang gago ang maniniwala kung sasabihin kong kuntento na ako doon. oo, aaminin ko, umaasa ako - naghihintay. pero kasabay ng paghihintay na iyon ay yung kaba at takot na baka sa paglipas ng oras na malaya mong binubuo ang sarili mo eh unti-unting magdiminish yung connection na mayroon tayo ngayon at eventually e maihahanay na lang sa bilang ng mga "kaibigan".

ito ang realidad. at habang papalapit nang papalapit ang pagtatapos ng nursing program e papalakas nang papalakas ang kabog ng dibdib ko sa pangamba na baka ito ang piliin mong posibilidad.

ironically, masarap ang ganitong pakiramdam dahil at least alam ko na totoo yung nararamdaman ko. oo, may takot ngunit nananaig ang saya. masaya ako dahil nakikita ko ang progress mo. nakikita kitang ngumingiti, tumatawa, lumalaban. malaya. matalino ka at may puso. maraming tao ang nakikita lang e yung superficial na princess na matalino at maganda pero hindi nila nakikita deep inside within that "princess" e may isang warrior na patuloy na lumalaban sa mga battles hindi siguro kakayanin ng kung sino lang.

separation anxiety.

mahal kita at alam ng maraming tao ang kapasidad ko na iparamdam at patunayan ito pero kahit ano pa mang mabulaklak na pagsuyo o kahit ilang balot pa ng siopao o mikmik ang ihain ko sa iyo, babalik at babalik pa rin tayo doon sa katotohanang "ikaw ay malaya".

ikaw ang may hawak ng mga posibilidad para sa iyo - para sa sarili mo. ang tangi ko lang magagawa ay umasa na sana ay maging bahagi pa rin ako ng posibilidad na pipiliin mo.


dahil kung ako ang tatanungin mo, naging bahagi ka na ng akin.


x marks the spot.


Monday, October 19, 2015

unboxed and updated

kung ako ang tatanungin ninyo, masyadong malawak ang uniberso para ikahon ang mga bagay bagay sa mga depenisyong paulit ulit lang na itinuturo at ipinapasa pasa sa bawat darating na henerasyon. nage-evolve ang mundo; nage-evolve ang tao.

matagal ko nang na-realize ito sa sarili ko. hindi ako yung constant na tao na nakatira lang sa kung paano ako mo ako nakilala sa una nating pagkikita. hindi na ako yung eksaktong dan bryan na naging valedictorian noong elementary o yung dan rallonza na naglayas noong first year highschool at naglagi sa isang simbahan sa kalagitnaan ng overcrowded na talipapa sa baclaran. hindi na ako yung pa-gangster gangster noon  na tumatambay at nakikipagangasan tuwing weekends ng gabi sa mga kalsada ng bacoor, cavite. hindi na ako yung weird na nerd noong 3rd year highschool. hindi na ako yung dating rakistang ang tanging nais gawin ay tumugtog pero walang sariling drums. hindi na ako yung fratman na nagpapalo nang 127 times sa likod ng hita at naging inactive din dahil sa pagkahumaling sa pagsasayaw. hindi na ako yung bagong saltang binatilyo sa amerika na pinagsamantalahan ng isang bakla na kahit kaya ko syang bugbugin ay nilamon ako ng kaba. hindi na ako yung workaholic na ginulpi ang sarili sa tatlong trabaho para makauwi ng pilipinas taun-taon sa pagaakalang magiging isa ako sa mga bibihirang success story ng mga long distance relationships. hindi na ako yung lalaking umiinom ng whiskey gabi-gabi. hindi na ako yung dan na sarado ang isip. hindi na ako yung dan na walang bilib sa diyos.

hindi na ako yung mga dating ako na akala ko ay hindi na magbabago.

siguro may mga bahagi sa kanila ay nasa loob pa rin ng pagkatao ko na maaari pa ring lumabas anumang oras. pwede ring wala na. pero palaging may darating na bago. bagong experiences. bagong impormasyon. bagong ideas na kikiliti sa curiosity mo. bagong kantang iindak sa puso mo. o bagong taong bubulabog sa mga emosyon mo.

palaging may bago, palaging may updates.

marahil bukas o sa kamakalawa, hindi na ako yung eksaktong kahapong ako.

dati naniniwala ako na ang buhay ay isang adventure. naniniwala pa rin naman ako doon. ang kaibahan lang, dati akala ko ang adventure na ito ay yung adventure na paglalakbay papunta sa mga pangarap ng isang tao na magtagumpay.

naniniwala ako na ang buhay ay isang adventure. isa itong paglalakbay ng kamalayan - ng pagkatao. isa itong mahabang proseso ng paghahanap, pagkilala, at pagbuo ng sarili.

kung ako ang tatanungin ninyo, masyadong malawak ang uniberso para ikahon ang mga bagay bagay sa mga depenisyong paulit ulit lang na itinuturo at ipinapasa pasa sa bawat darating na henerasyon. nage-evolve ang mundo; nage-evolve ang tao.

kung bukas ang isip mong kumalas sa framework na ididikta ng social norms at mga traditional na pagiisip, lalawak ang mundo mo.

malaya kang makapaglalakbay.

makukuha mo yung adventure na gusto mo.

sa ganoong paraan, mahahanap mo ang sarili mo.

Thursday, October 15, 2015

...

.
...
.....
.......
.........
...........
.............
...............
.................
...................
.....................
...................
.................
...............
.............
...........
.........
.......
.....
...
.

Wednesday, October 14, 2015

Because I love you...

you will be you. 

you will be the best version of you.

you will be happy.

you will be free.

you will be you.

... because I love you.

Monday, October 12, 2015

good morning :)

i love how honest and open we can be to each other. we can just talk about literally anything without jeopardizing any part of our relationship. this is the freedom that i want - for us. having someone being there for you and still having enough space to grow on your own. we're not afraid to express everything because we're accepted as how we are. we're open for change and for growth without the fear of losing one another. 

i'm amazed at how i can just fall deeper and deeper in love as i discover more about you as time goes by. you are more than just a girl who lost her childhood. your name princess xena suits you well because you are such a warrior. you are way more intelligent and stronger than i thought. and i'm very blessed to have you as my friend.

i believe you when you say you're not ready and i respect that. at least for now, we can build something out of this great foundation of friendship. i want you and i'm willing to wait for that someday that your love for me will grow to that same level where i'm at. it's not just about your beauty and your talents. i love how connected we are to each other. it's so ridiculous. it's so hard not to fight for this.

you excite me. you inspire me. you motivate me. you care for me.

i appreciate your existence in my life and i think of you as a blessing to anyone you share your light with.

i'm a believer of actions so i'd rather show you than keep on saying this over and over. 

but yeah, of course...

... i love you. :3


Friday, October 9, 2015

it's how you make my heart smile when it's broken.

i want you to know, i appreciate you very much. i love you. 
making you feel like you're the most beautiful being is better than saying "you're so pretty".

spending sleepless days just to be with you is better than saying "i think about you all the time".

listening, respecting your quiet moments and giving you space is more genuine than "i'm here for you, waiting". 

all these without the expecting anything from you, i guess is my best way of saying "i love you".


Wednesday, October 7, 2015

sapagkat handa akong tanggapin ang bawat sulok ng iyong pagkatao maging bahagi man nito ang iyong hindi tuwirang pagtanggap sa pangako kong pagbabago. hindi ako nagmamadali dahil nais ko ring dumaan sa bawat bahagdan ng isang mahabaang proseso. ngunit hindi ko maikakailang ako'y nababagabag o nasasaktan sa tuwing nararamdaman kong nasa alangan ang kung saan nga ba ang aking tunay na kinalalagyan.

naiintindihan, minamahal, at tinatanggap.

dumaan na rin ako sa pagsubok na kinasasadlakan mo ngayon kaya't ang pairalin ang inggit at selos ay sadya namang baligho. mahal kita kaya't handa akong intindihin ang lahat mula sa lihim na kahulugan ng bawat pagkakataong ika'y tulala; hanggang sa pagpatak ng mga luhang hindi ako ang simula.

maghihintay ako hanggang sa handa ka na muling magsimula. sabay nating lasapin ang ginhawa ng paglaya.

Saturday, October 3, 2015

i dreamt of us being in a vacation. 

we are in this place like how i imagined when you were talking about your old house. wooden floors. there were people i don't recognize but seemed like friends and families. we were drinking.

and a man came out of a room, big and serious looking - i suppose he's your father. my heart was beating hella fast.

i walked very nervously towards him and everyone were watching. 

his left fist was clenched - i will never forget that image.

i shook his right hand and looked at his eyes - big and still hella serious.

"good evening, sir."

and everyone bursted into laughter. i felt relieved but i was still very nervous.

i woke up with sweat all over my face.


Wednesday, September 30, 2015

idk what the future holds.

i wish i'd be in yours the same way i want you in mine. i look at you in the eyes and see your greatest potentials.

see how we push each other to be better. this is the relationship i've been wanting to find - a progressive one.

idk what lies before our fates but i sure do hope and pray to all enities out there...

i want this to never stop. :3

Monday, September 28, 2015

so today you asked me about us - label wise. 

i said i'm just waiting.

idk what were you thinking or what "us" means to you right now. i'm just happy to be with you and be here for you. do i want labels? yes. but right now i don't think you're ready. 

as i said, i'm waiting. i'm here to stay. 

i'll be here for you; progress and grow with you.

i love you.

Saturday, September 26, 2015

i am not trying to be your other half; i am here to make you realize that you are a whole being all this time.

i want not only to make you realize your worth, but also to make you feel it. you deserve to be treated like a lady.

you know i can take care of you. you know i will.

i'm here to stay. 

Monday, September 21, 2015

X,

I just want you to know that I'm really grateful that you came into my life. I honestly can't explain the positive energy that you're bringing to me and you know as I've been telling you, I am now genuinely happy. I'm really thankful for you. You are a beautiful person and I'm very lucky to have you as a friend.

Yes, as a friend. As much as I want this relationship to work further than what it is right now, I want you to know that I value our friendship so much. You know I mean that.

I can't promise that I'd stop waiting for you, because I really believe that you truly are worth the wait and all the effort. You are so special and essential. I want to take care of you and keep you happy and moving towards your greatest potentials. And this time I guess I can say that I can really do all these because I know I have the right guidance from Him.

Thank you for everything.

I love you.

- D.



Wednesday, July 15, 2015

sa dami ng mga bagay na kailangan mong isipin, hindi mo na alam kung anong dapat mong unahin.
alam mong may solusyon ang lahat ngunit hindi mo alam kung saan at kung papaano magsisimula. kalmado ka lang at walang bahid ng pagkataranta. hindi ka naman manhid, alam mo lang kung saang bulsa ng iyong pagkatao itatago ang bawat emosyong rumaragasa.

pagibig. pangamba. pangungulila. bwisit. dismaya. at putangina, marami pang iba.

sa ngayon, kailangan mo munang manahimik at magpahinga.

ayos lang mapagod.

ayos lang magpahinga.

Tuesday, March 10, 2015

Saturday, March 7, 2015

minsan, talagang babanatan ka ng tadhana sa pinaka-convenient na tyempo at bibigyan ka ng kutos na hindi mo kayang ismidan lang at hindi pansinin. o kahit yung hindi naman big deal talaga pero dahil pagal ka na - katawan, puso, at kaluluwa (oo, kasama kaluluwa para mas dramatic leche), hindi mo maiwasang mahulog na lang muli sa patibong. magugulat ka na lang, nag-dive ka na naman at nagtatampisaw sa swimming pool ng malamig, mapakla, at walang kakwenta kwentang feels at imaginary na lang na nakaraan.

hindi ka lang umaaray, pero alam mo deep inside, may dinadamdam ka.

pero walang nakakaalam kasi wala namang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw lang. 

kaya tahimik ka na lang na nagdurusa at nagpapakatatag. dahil wala namang maniniwala na sa likod ng mga kagaguhan at mga patawa, may tahimik na bahagi ng iyong pagkatao ang nagkukubli sa isang sulok ng iyong sapantaha - malungkot at sinisimsim ng malamig na pagiisa.

Saturday, February 21, 2015

Monday, February 9, 2015

i'm slowly picking my shit together. it is true - one may understand the cosmos but never the ego; the self, sometimes, seems much more distant than any other star.


Sunday, February 1, 2015

Edi yun nga, wala na akong facebook at instagram.

Siguro bahagi ito ng paghahanap ko sa nawala kong sarili after ng hardcore na daluyong ng mga kadramahan sa buhay ko. Pwede mo rin sabihing, nagpapa-miss lang ako. Para bang sa ganitong paraan ko gustong hanapin yung importansya ko sa mundo. May makaka-miss ba sa akin? May maghahanap ba sa akin ngayong bumitaw ako sa sirkulasyon ng speryo ng social networking?

May mangilan-ngilan naman.

Sa ganitong paraan mo malalaman kung sino ang totoo mong kaibigan. Yung tipo ng kaibigang maghahanap at maaalala kang kamustahin kahit walang kailangan sayo. Naging kumportable na kasi ang halos lahat sa atin sa ginhawa na idinulot ng teknolohiya.

Biruin mo nga naman, ilang pindot lang sa computer at smart phones eh updated ka na sa mga kaganapan sa buhay ng mga kamag-anak, kaibigan, kakilala, kaaway, kapit-bahay, at maging yung katulong ng kaklase mo.

Konektado?

Konektado ba yung alam ko yung mga nagaganap sa buhay mo pero hindi tayo naguusap? I get it, mas madali na maka-catch up sa kung kani-kanino pero it just became so easy na nawawala na yung essence ng "connection" between people. News feed. Fini-feed na lang tayo ng mga impormasyon at bahala na tayo mag-like o mag-comment depende sa kung may available kang paki na maibibigay.

Hindi ko alam.

Hindi ko na alam exactly kung anong nangyayari sakin bakit ako nagpapaka-profound nang ganito. Napakarami nang nawala sa akin na pakiramdam ko pati yung koneksyon ko sa mundo e nawawala na rin. 

I just feel so lonely. Di ko alam kung bakit. Siguro pakiramdam ko wala talagang kahit sinong nakakaintindi sa akin. Walang ampat na salitang makadescribe sa kung anong krisis ang nagaganap sa loob ng sapantaha ko ngayon.

Mabuti na lang sanay ako ngumiti at magpatawa.

Hanggang kailan?

Di ko alam.

Thursday, January 22, 2015


nakakamiss yung mga panahon na ang tanging inaalala mo lang sa buhay ay kung tumae na yung tamagotchi mo.

Sunday, January 18, 2015

"You" and "me"

for a moment became a "we"

But then you wanted to be free

I asked, "what about me?"

You said, "what about thee?"

"What thee?"

"Thee, with the double e"

"Oh! like thou, thy, thee?"

"Yes, that thee"

"So you wanna be free?"

"Yes, can we stop being we?"

"Like just you, and then me?"

"Yes, separately."

"Of course. You already left me...

... the moment you said you wanna be free."

Fuck thee.

Monday, January 5, 2015

Bagong Taon, Bagong Tao?

Ngayon ang unang Lunes ng 2015. Ngayon pa lang talaga nagumpisa ang bagong taon para sa karamihan. Yung unang apat na araw, yun yung part na nagpapalakas ka ng loob, motivate-motivate chenez, pagpapaalam sa "roller coaster ride" na 2014, at kung anu-ano pang PEP talk sa sarili.

Ngayon ang unang araw ng pagbabalik ko sa iskwela bilang isang mag-aaral. At syempre, as usual naman, imbes na tinatapos ko ang homeworks na due na mamayang alas tres ay napili ko pang mag-blog - saktong sakto lang sa title, ukininam. Sabi ko nga, "cramming brings out the best in me" pero syempre walang magandang implikasyon yon sa buhay. So yun nga, back to school ang peg ko ngayon. Isang taon akong mamamaalam sa social life (kung mayroon man!) at ilulugmok ang sarili sa pagitan ng paghahanap buhay at pag-aaral. Ito na rin ang naisip kong pinakamabisang paraan upang makalimot at tuluyan nang maka-move on. Oha!


E bale nitong nakaraang araw, nakakita ako ng isang recent photo ni ex at kitang kita ko sa mga mata nyang masaya sya ngayon. Nabadtrip ako. Hindi dahil sa ayaw ko syang maging masaya. Uhmm, o sya sige, oo na, ayoko syang makitang masaya agad. Bitter na, bitter lang? Pero yun nga, sooner or later kailangan ko rin namang tanggapin ang katotohanang masaya sya ngayon sa iba.

LET GO.

Yan ang dapat kong ginagawa imbes na magpaka-busy at piliting makausad sa buhay. Hindi pala sapat ang basta magpaka-abala at pagkalimot. Hindi ko nare-realize na hindi pa rin pala ako tuluyang nakaka-move on dahil napaka-bigat pa rin ng bagahe ko. Kumbaga sa airport, hindi ako maka-boarding dahil sa check in pa lang ng bagahe, sobra sobra pa ang kailangan kong tanggalin. Hindi ko talaga makukuha yung kaligayahan ng gusto ko makuha dahil napakabigat pa rin ng bagahe ko. At honestly, hindi ko pa kayang bitawan lahat nang sabay-sabay. Napakarami kong issue sa buhay at isa lang doon ang pagkakadurog ng puso ko dahil sa huling relasyon ko. Sabi nga ni Leo Martinez, "Ala-eh isa isa la-ang at mahina ang kalaban."

Ngayong 2015, isa-isa ko nang bibitawan ang mga kapaklaan at kalungkutang naidulot sa akin ng nakaraang taon. Panahon na para tigilan ang pagdedepress-depressan at magbukas ng ampat na espasyo sa puso ko para sa mas magaganda at mas masasayang bagay.

Bagong taon, bagong tao?

Katulad ni Laida Magtalas sa pelikulang It Takes A Man and A Woman, kailangan ko na rin bumuo ng mas nag-improve at mas poging bersyon ng ako. O sige, wag na mas pogi - basta improved na lang. Isang bagong DAN LLOYD CRUZ VERSION 2.0!


Pero sa ngayon, matapos ang mahabang pasakalye at mga cheche bureche at pagbulalas ng mga hinaing at angst at kung anu-ano pang shit sa buhay, kailangan ko na rin muna i-let go ang laptop at balikan ang mga homeworks na dapat kong inaatupag. O sya, babush!