Monday, March 21, 2011

DELINKWENTE part 4 (ang mmk moment sa buhay ni danibab)

tuso akong tao. hangga't may ilulusot, gagawan ko ng paraan. hindi ako yung tipong basta-basta sumusuko sa mga problema. kapag tama ako, tama ako. kapag wala akong ginagawang kasalanan, wala akong dapat tanggaping kaparusahan.

hindi ko ipinaabot kina ermat ang invitation ni Hitler sa aming pamantasan. pwede mong gawin sakin lahat wag lang call parent. noon kasi, isambaldeng kahihiyan ang nagbabadyang bumuhos sa kahit na sinong mag-aaral na magbaon ng magulang sa guidance office. para kang ex-convict paglabas mo ng opisina. tingin sayo ng ilan e sagad-sagaran ang iyong kabaitan at malapit ka nang kunin ni papa lord. kaya kinabukasan pumasok ako mag-isa. gusto kong bulyawan si Hitler sa mukha ng neck, neck mo!. kaso wala kaming klase sa kanya ng araw na yon. lucky bitch.

kinabukasan, first period namin sya. wala pa rin sina ermat. di ko alam kung panong lusot ang gagawin ko. di ko alam kung pano ako makakatakas sa tilamsik ng bagsik ni Hitler. para akong balisang aso sa LRT non. yung tipo na di mo alam kung natatae o ano. takte. isip, isip. nung mga panahon na yon talagang nag-sisi ako kung bakit pa ako pinanganak. parang gusto kong sampalin ang kapalaran nang solid. sa mukha. tangina mo, pwede naman ako sa lahat ng terror na guro! bakit ke Hitler pa?! pwede naman kay Aleja... Bonifacio!!!

CENTRAL TERMINAL STATION.

putik. isang station na lang. go, isip. oh harsh realities of life. shet na uber lagket. di ko deserve ang ganitong pagdurusa. nag-effort ako nang bonggang bongga. di ko mabatid kung bakit di man lang nya nakita yon. dahil lang ba sa putanginang pangalan ko? grabe naman. lumuha ba ng dugo ang anak nya para ipaghiganti nang ganon? QUIRINO STATION. putik ulit. lumampas na ako. eto na kaya ang signos na ibinigay ng sangkalangitan? malamang. tama, magpapa-late na lang ako. haha! call-parent your face!

roundtrip-tambay-pasok. ok, late ako. walang Hitler sa aking umaga. dumaan ang isang araw na hindi nagtagpo ang landas naming dalawa. ang panibagong dilemma: may klase kami sa kanya bukas. hindi first period. deym.

No comments:

Post a Comment