Tuesday, November 29, 2011

sambwan na lang!

Manila, here I cum!!! 

Friday, November 11, 2011

goodmorning

isang oras at labimpitong minuto. mahigit isang oras ko nang pinagmamasdan ang iyong natutulog na mukha. tangina. nakakagigil ang kakyutan mo na parang 2 years old na sanggol na kaysarap halikan. at oo, mahigit isang oras ko na ring pinipigilan ang sarili kong hagkan ang mga labi mong bahagyang magkahiwalay. marahang tumatakas ang mainit na bad breath sa maliit na siwang. pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kitang magising. sinisimsim ko ang mga bawat segundo, bawat minuto, ang bawat sandaling napagmamasdan kita nang hindi pixelated, close up at walang kolorete sa mukha - ang simple at inosenteng ikaw.


kaytagal kong hinintay ang kilig moment na ito. yung moment na madalas gamiting eksena sa mga pelikulang pagibig ang tema. yung eksenang kikilitiin nang wagas ang iyong kalamnan hanggang sa maihi ka. pakakabahin ka pero sa walang kasing sarap na paraan. kaytagal kong hinintay na madama ang mahiwagang torture na ito - ang ragasa ng naguumapaw, bottomless, hardcore na pagibig.

at tumunog ang makuteng alarm ng aking telepono. teach me how to dougie. dagling ang lahat, kasama ang maganda mong mukha, ay naging animo'y usok na unti-unting hinipan at binura ng hangin. 

gumising ako nang nakangiti. hindi ako nainis o naasar kahit parehas lang ang ibig sabihin ng dalawang iyon sa halip, inisip ko na lamang na darating din ang isang umagang ang lahat ng kilig moments na iyon ay hindi na nakalimbag lamang sa isang matamis na panaginip. 

Thursday, November 10, 2011

wishes?

kaipokrituhan kung sasabihin ko sa inyong wala akong nais i-wish sa maswerteng petsang ito.

marami akong gustong hilingin kung mapagbibigyan man, bakit hindi diba? wala naman raw mawawala kung magwi-wish ka. mula sa pinakapayak hanggang sa pinakabonggang kahilingang maaari mong isipin. pwedeng materyal na bagay tulad ng bagong iphone, kotse o bagong sapatos. pwede rin namang mga bagay na intangible o hindi mahahawakan tulad ng kapayapaan, pagibig o di kaya e sana'y reglahin na ang syota mong na-delay ng period. oo, sige, subukan mong humawak ng regla.

11/11/11. eleven, eleven, eleven.

matagal na panahon bago maulit ang ganitong pambihirang pagkakataon. kaya nga pambihira diba? kung ilang taon o siglo man ay wag nyo nang itanong sa akin dahil hindi ako magaling sa math. basta yun ang alam ko, matagal na panahon.


maraming aligagang aligaga sa date na ito. may isang boksingero pa ngang itinaon ang kanyang kasal sa araw na ito. swerte raw. maaari kang mag-wish. pero ang tanong ko lang, bakit nga ba ang hilig natin sa mga hiling-hiling at mga swerte na yan?

kung pwede naman tayong bumangon araw-araw para gumawa ng hakbang para maabot natin ang mga minimithi nating mga pangarap, bakit nananatili pa rin tayong naniniwala sa mga swerte-swerte shits na yan? hindi pambihirang petsa, bulalakaw, palakang may supang barya o alignment ng mga stars ang magbibigay sa atin ng bagong iphone, magandang bahay o magagarang kotse. hindi compatibility ng mga zodiac signs ang magbibigay sayo ng kilig moments with your labidabs. hindi lucky color o lucky number ang magbibigay sayo ng tamang sagot sa mga exams kundi si lucky seatmate - joke.

sabi nga ni zenaida seva,
"Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran - mga gabay lamang sila. Mayron tayong freewill, gamitin natin ito."
siguro panahon na para tigilan na natin ang kaugaliang ito. sa halip na sisihin lang natin ang bulok na gobyerno, bakit hindi tayo magsumikap pa lalo? sa halip na umasa tayo sa swerte, bakit hindi na lang tayo ang gumawa ng paraan para abutin ang mga pinapangarap natin?

o di kaya, sa halip na humangad pa nang labis, bakit hindi natin subukang makuntento sa kung anung sapat at magpasalamat naman sa lahat nang biyayang ipinagkaloob sa ating ng Diyos.

Tuesday, October 25, 2011

para kay em


para kang ulan
doon sa kanta ng bandang eraserheads
kaysarap mong pagmasdan
parang kang yung tsokolateng flat tops
hindi kita kayang pagsawaan
dahil sayo naniwala na ako kay nina
nang sabihin nyang
“love moves in mysterious ways”
dahil sayo tumibok ang puso ko
kasimbilis ng “superbass”





Monday, October 17, 2011

tomador ng ladies drink!

Thursday, October 6, 2011

dear gelpren,

ikaw yung mainit na kape sa isang maginaw at maulang umaga
yung rosas na langit sa tuwing hahalik ang araw sa gabi
yung samyo ng kamisetang ibinabad sa downy
ikaw yung pilantik ng mga tikladong umaawit ng malambing na musika
yung leche flan sa ibabaw ng special na halo-halo
yung palakpak sa dalampasigan ng mga along mapaglaro
ikaw yung maginhawang yakap ng malambot na kama
ikaw yung mainit na pakiramdam ng maliligayang alaala
ikaw yung usong hindi nalalaos
ikaw yung superherong hindi maigapos
ikaw yung pagibig na hindi magagapi

ikaw ang dahilan ng aking pagngiti.



Saturday, October 1, 2011

Fall in Love with an ACTIVIST.


Fall in LOVE with an activist because…

You could have the worst hair day of your life, he wouldn’t care…with his way of life, he’s had worse.
You won’t need to take her to a fancy restaurant, fine dining was never her thing…she would rather eat  with her hands in the company of farmers.
 You could shout at him all you want, he would just smile…he does it everyday..to assert for your rights.
 She doesn’t care if you’re rich or poor. After all, she does understand class struggle.
You can be frank about him, in fact, he would like that very much.
Criticism and self-criticism are second nature to him. He always wants to improve himself.
She isn’t afraid to make the first move. Don’t worry she’s no bimbo. 
It’s just that she believes in the equality of sexes. And she’s knows that women hold half the sky. 
When you have a fight, it’s never all your fault. He knows that partly, he was to blame. Because he is a dialectical materialist.
She’s never boring. As long as social injustice and inequality exists, you won’t run out of things to talk about.
She’s very good at sharing her life with someone. Maybe it has something to do with their practice of collective living.
Being articulate is a skill he has come to master. And he will have no trouble telling you how much he loves you.

P.S. There’s a catch. You should know that you’re not the only person who owns his heart. You share it with the poor, the sick, the hungry, and the opressed.
P.P.S. By the time you fall for an activist, give it a week or so, you’ll be an activist yourself. Because if you love and understand her, you would know it’s the right thing to do. 

- mula sa isang aktibistang guro

Tuesday, September 20, 2011

kumbucket kelangan mong mangelam?


dahil bahagi ka at apektado ka ng nagaganap sa lipunan. hindi ka basag na hollow blocks na nakatambak sa bakanteng lote. hindi ka bulaklak ng gumamela na dinidikdik at ginagawang pabula. hindi ka posteng nakatayo lang at iniihian ng mga lasing twing gabi. hindi ka bagay, lugar, hayop, pangyayari o pagkain dahil punyemas hindi naman ito pinoy henyo. 

tao ka. 

tao ka na may mata na siguro nama'y hindi bulag. may tenga na sana rin nama'y hindi bingi. may betlog na umuurong pag giniginaw sa gabi (kung lalaki ka). may damdaming malamang at dapat lang naman ay nasasaktan sa mga kabalintunaang nagaganap sa iyong bayan.

kung bakit dapat kayong makilahok sa malawakang protesta laban sa BUDGET CUT? simple lang, dahil minsan sa mga buhay ninyo ay itinaas nyo nang matuwid ang inyong kanang kamay ay sumumpa ng katapatan sa bayan. kabataan raw ang siyang pagasa ng bayan. pero paano mo aasahan ang mga kabataang walang matinong pinagaralan? EDUKASYON ANG PUNDASYON NG MATIBAY NA LIPUNAN. para hindi tayo nakasandal nang nakasandal sa mas malalaki at mapagsamantalang bansa. hindi tayo inuuto. hindi tayo hina-haras. hindi tayo pinagtatawanan.




kung hindi ka kikilos, wag kang magtataka kung sa mga susunod na taon ay hindi lang planking ang ipagbawal. baka bawal na rin mag-isip. pero pwede pa ring mangurakot, mandaya sa halalan, pumaslang ng aktibista at mang-massacre ng media nang walang pangamba.

tas bawal na rin mag-facebook. lagot na.

Friday, August 12, 2011

yung mga moment na wala ka nang ibang masasabi kundi putangina.

yung isa sa mga araw na ineexpect mong magiging maganda dahil alam mong patapos na naman ang isang linggo pero sa di mo maipaliwanag na pagkakataon, bigla ka na lang makikidlatan ng isang mabangis na kamalasan.


kung kelan naman puspusan ang pagtatrabaho mo para makaipon ng pamasahe pauwi ng pilipinas.
kung kelan naman marami kang mga bayaring hindi matapos-tapos.
kung kelan andami mong pinagiipunan.
kung kelan naman kakapa-full tank mo lang.

saka ka naman biglang masisiraan ng kotse. tangina naman. gastos na naman to.




Wednesday, August 10, 2011

i miss you.

hindi ito katulad nung mga ordinaryong "i miss you" na madalas mong mababasa sa mga pader ng facebook. palagi itong kadugtong ng mga batian ng mga magkakaibigang hindi nagkausap o nagkita in a certain amount of time. pero syempre depende sa agwat ng panahon at distansyang nagkawalay, nag-iiba ang bigat ng "i miss you".

"uy! baldo! kumusta ka na? i miss you!"
"ayos lang, jennybeth! miss u too!"





hindi ganyan ang "i miss you" na nararamdaman ko. kumbaga sa cd, gasgas na yan at sa dalas ng walang kawawaang paggamit ay nauupod na ang tunay na kahulugan. hindi ganyan yung pangungulilang nararamdaman ko ngayon.

yung sa tagal ng pagkawalay mo, hindi mo na sya maintindihan.
yung sa sobrang tagal, parang hindi mo na sya kilala.
yung isang araw, basta biglang hindi ka na maka-relate.

bale pumasok kasi ako sa indayog noong panahon na kakapalit pa lang ng choreographer. yung mismong umpisa ng pagbabago ng indayog na dating mahiyain at hindi pansinin. hilaw at sabik pa kami sa lahat ng mga bagong ituturo ni kuya reagan.

noon, maliit lang ang pamilya. iisang bilog. kasya ang lahat sa loob ng studio. yung lumalangitngit at amoy-pawis na studio.

hanggang sa lumipas ang mga panahon, natuto, gumaling at unti-unting nakilala ang indayog. dumami nang dumami ang mga bagong members. lumaki ang pamilya. pero ang part na masakit sa akin ngayon, kasya pa rin ba ang lahat sa loob ng studio? sa loob ng iisang bilog?

hindi ko alam. hindi ko sigurado. ang alam ko lang, sobrang laki na ng pinagbago mo. parang hindi na kita kilala. nanliliit na ako sa taas ng naabot mo. sa dami ng mga tawa, iyak, galit, asar at ngiting hindi kita nakasama, siguro pati ako hindi mo na rin kilala.

hindi ito yung ordinaryong "i miss you" na pakalat-kalat sa mga pader ng facebook o mga inbox ng mga cellphones. ito yung matalim, masakit sa lalamunan at mabigat sa dibdib na "i miss you". yung pag biglang tumama yung alulod mo sa kanto ng lamesita. yung pag naghihiwa ka ng sibuyas. hindi ito yung "i miss you" na gasgas at wala nang kahulugan.

dahil indayog,

miss na miss na kita. i so fucking miss you. 


Monday, August 8, 2011

di ko alam. basta ganun.


eh bakit nga ba kasi tayo naiin-love sa isang partikular na tao?


sa kinis ng mukha? sa ayos ng buhok? sa laki ng suso? sa husay sa pag-awit o breakdancing? sa porma? sa ugali? nakaka-apekto ba ang resulta ng bantog na F.L.A.M.E.S.? ang compatibility ng zodiac signs? ang arrangement ng mga bituwin sa kalangitan? eh ang arrangement ng mga furnitures sa bahay (feng shui?). maraming haka-haka. maraming agam-agam. pero wala namang kahit sino, maging si joe d' mango man yan so si xerex xaviera, ang tiyak na makapagsasabi sa atin kung paano at bakit nga ba tayo naiin-love sa isang partikular na tao. siguro maaari itong ipaliwanag ng mga oxytoxin chemicals o hormones na nasa katawan ng tao pero para sa akin kulang ang kapangyarihan ng siyensya para tuwirang ipaliwanag sa aking irog kung bakit ko siya mahal. kung bakit siya. higit pa sa natural na proseso ng human biology ang sistema ng pagibig. at oo, ako na. ako na ang nagpapaka-eksperto sa pagibig.

Friday, August 5, 2011

for randy.

today i visited a dying 2 year-old baby. his name is randy. i don't really know exactly but i think he got a tumor in his brain. for months he'd been battling against it through chemo and some other strong medications but as we all know it, every battle has its ending. his body couldn't just take it anymore. i could remember i was there last month when he had his 2nd birthday party. that was the first time i met him personally. i greeted him happy birthday and shook his hands. that was also the first and last time i saw him smile.

though i knew already that he's about to die at any moment, it still broke my heart to see the poor little kid on his bed with all the tubes and shit - still trying to hold on. i'm not inviting any debate or whatever but i'm still gonna say this anyway. i'm just wondering, if there is a God who is omnibenevolent, why would he/she/it let this kind of suffering happen to an innocent little kid?

before i left, i looked at him and held his hands - most probably the last time.

for randy - you're a brave little kid. farewell, buddy.



Friday, July 29, 2011

Saturday, July 23, 2011

shit happens


bale ang buhay raw kasi ay punung-puno ng trahedya. wagas na wagas sa mga kabullshitang susubok sa tibay ng iyong pagkatao. may mga personal na trahedya tulad ng pagkabigo sa pagibig, pagkamatay ng isang minamahal, pagkirot ng namamagang ingrown at kung anu-ano pang shit. may mga trahedya naman ding may pangmalawakang perwisyo sa lipunan tulad ng bagyo, lindol, terorismo at ang pagupo sa pwesto ng dating pangulong si arroyo.

pano nga ba yung matiwasay at nasa ayos naman ang lahat tapos one moment, biglang gumuho, naglaho at nagkagulo-gulo ang lahat? napakahirap ata i-angkop ang sarili mo sa panibagong na namang sistema. para kang yung laruang lego na dagling nakalas at bubuuin muli para maging kung anumang kinakailangan. pwede ka biglang maging robot na aso. sasabay sa kumpas ng bagong sistema. mapapalitan ang tagpi ng doggie. mapapalitan ang aw-aw ng arf-arf.

sit, roll over, play dead.

darating sa punto na parang ayaw mo na lang magpatuloy. gusto mo na lang sumuko. o kaya maghintay kung biglang may darating na superhero. pero ano nga bang magpapanatili sayo para mag-fetch at magwagayway ng buntot? anong baterya ang magpapatakbo sa natitigang mong enerhiya? anong pipigil sayo para humiga na lamang at huminto sa paghinga?

bakit nga ba tayo nadadapa?

upang bigyang kahulugan ang salitang tingala. bangon. pagasa. upang magkakalyo at maiukit ng mga sugat ang mga aral sa ating mga palad (malas mo lang kung sa mukha ka napuruhan). pero anu bang silbi ng pagsubok kung hindi ka susubok lalaban di ba? kaya nga pagsubok di ba? hindi naman sinabing pagsuko. vice ganda?

putangina mo kang pagsubok ka ha! pakshet ka! die, bitch, die! burn in hell!


shit happens, pare. but so does beauty and kilig moments! minsan lang talaga, inevitable talaga ito na sa landas ng buhay, hindi mo maiiwasang makatapak ng tae. walang simbolism yun, pampahaba lang ng blog entry. pero kung makatapak ka man, ikaskas mo na lang sa lupa.

pagibig. hindi lang yung basta chuva-chuchung pagibig o yung ahensyang nagpapabahay. ang tinutukoy ko ay pagibig in general. ito ang gasolinang nagpapatakbo sa damdamin ng bawat tao. pagibig. maging sa sarili man, sa pamilya, sa kapatid, sa shota o kay adam levine. pagibig ang magpapanatiling buhay sa mga pangarap mo. pagibig ang nagbibigay lakas. pagibig ang nagbibigay pagasa. parang Gatorade with advanced electrolyte system - it keeps you going.




is it in you?

Friday, July 15, 2011

GUNI-GUNI

Ang kwentong ito ay totoong nangyari sa buhay ko. Kung hindi ka nainiwala eh wala akong pakelam sayo! baket binabasa mo pa? itigil mo na kaya? May 28,2011. 8:00 AM. Isang makulimlim na umaga. Sa isang kilalang resort sa Bulacan, isa ang grupo namen sa pinakauna at pinakamaagang dumating. Matapos namin buhatin ang mga dala dala papunta sa napili naming cottage, isa isa namin itong inayos. Mga bags, baon na pagkain at pati na ang gagamitin na ihawan ay nakahanda na.

    Umuulan ulan nun at napakatahimik. Wala kang maririnig kundi ang huni ng mga kuliglig na hindi mu naman makita kung saan nanggagaling dahil sa dami ng mga puno sa paligid. Parang may kakaiba akong nararamdaman...Tumingin tingin ako sa paligid at sa di kalayuan ay may natanaw akong isang silid...parang may tao. Hanggang sa namalayan ko na lang ang aking sariili na lumalakad papalapit sa siilid na yon. Nang malapit na ako... ay sa potangena! kubeta pala!

    Nasabi ko na lang sa sarili ko...yaman din lamang at nandito na ako....ebak na nga muna ako habang kokonti pa ang tao baka mamaya pila na. Pumasok ako at nabungaran ko agad ang isang timba na may tabo. Kinuha ko at agad isinahod sa gripo. Habang pinupuno ito ay parang may narinig ako na lumabas...nagmamadali! Nilingon ko pero wala nmn akong nakitang tao. Naisip ko...ah, guni-guni  ko lang siguro yun.Pero sa isang sulok ng isip ko sinasabi hindi! Hindi guni-guni un!

    Napuno na ang timba kaya dinala ko na ito papunta sa cubicle upang isakatuparan ang aking layunin. Pagpasok ko sa loob ay nabigla ako...kinilabutan! Lalabas na sana ako ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kaya ko 'to! bulong ko saking sarili. At isa pa...2cm. na lang...nagpupumilit na siyang makalabas at anumang sandali ay handa nang sumabog na parang bulkan. Wala na akong nagawa kundi tibayan ang aking dibdib! Habang nasa loob ako ay bumubulong ako...lumabas ka guni-guni! Kung sino ka man magpakita ka saken! Hindi ako natatakot sayo! Magparamdam ka ulet!

    Hanggang sa matapos ako ay walang nagparamdam...Lalong lumakas ang loob ko dahil siya ang natakot hindi ako. Hehehe! matapang kaya ako! Dugong Mandirigma 'to! Bago ako tuluyang lumabas ay nilinga linga ko pa ang paligid baka sakaling may bigla na naman akong maramdaman na lumalabas pero wala na talaga siya.Naglalakad na ako pabalik sa cottage namen nang marinig ko na hinahanap na pala ako ng mga kasama ko.

    MOMMY: San ka ba nagpunta kanina ka pa namin hinahanap bigla kang nawala?

    AKO: Naghanap po ng CR umebak.

    MOMMY: ah...malinis ba yun CR nila dito? (siguro naeebak din?)

    AKO: Ok lang naman po...(habang iniisip ko kung ikukwento ko ba yun naging karanasan ko dun?)baka nga po         wala kayong makitang ganyan sa U.S. eh? automatic...

    MOMMY: Huh!? (na confuse) anong automatic? tanong niya...

    AKO: Automatic po kse uupo pa lang ako may tae na agad sa inodoro!

    MOMMY: Aw shit! gagu ka talaga!
_________________________________________________________

Orihinal na akda ni Rommel Rallonza 

(ngayon alam ko na kung san ko namana yung kadaldalan at kalokohan sa panulat.)

Sunday, July 3, 2011

kumbaga sa chess, pawn lang yan.


sinapak o hindi sinapak. sus. ang tunay na trahedya dito ay may kakulangan sa housing bukod sa iba pang social services, para sa mga mamamayang pilipino. bakit nagiging iskwater at bakit kailangan umabot sa marahas na demolisyon? hindi mga suntok ang kailangan kundi paggulpi sa kurapsyon at abuso sa pwesto ng mga opisyal ng gobyerno na nagdudulot ng ibayong kahirapan sa mga kababayan natin.
- (Bautista, 2011)

Saturday, July 2, 2011

kumusta, munting pusa?

gusto kong tumula

ngunit pinid ang diwa

umid ang dila

ng pusong makata

antok ay hindi maabot

nananatiling gising

ngunit sapantaha'y lasing

para kang kulangot

sa nostril ng aking isipan

hindi matanggal

anumang pilit na dalirot

libreng spa

unlimited drinks

o malambot na sofa

anu bang mayroon sa aking isipan?

bakit dito ka nananahan?

ngunit kahit ganito

wag ka sanang lumisan

pagkat ikaw ang kanin sa aking pananghalian

ang liquid paper sa aking kamalian

ang liwanag sa dilim

ang alaxan fr sa muscle na parang taling nagkapili-pilipit

ang ngiti sa kalungkutang mapanakit

ang centrum ng aking buhay

you make me complete


  

Friday, July 1, 2011

RESSURECTING DAMASO

di ko alam kung bakit anlaki ng problema ng simbahang katoliko sa homosexual community. di ko talaga mahanapan ng tamang sagot ang tanong kong ito. kung bakit ba malupit ang lipunan sa mga taong gumawa lang ng isang mabigat na desisyon upang maging masaya. bakla, bading, jokla, tibo, obit, tongril, baklush... at kung anu anu pang tawag sa kanilang mga napapabilang sa "third" sex. kung may third sex, anu iyon? bakla o tomboy? edi dapat may fourth sex. kitams, pinagkaitan pa talaga ng ikaapat. edi mag-aaway pa sila. oo, minsan may ilang talaga na nakakasuya at nakakaalibabad tingnan. pero may mga straight din namang mas nakakabadtrip pang tingnan - para bang napagiwanan ng evolution of man. hindi naman nila kasalanan kung naging bakla o tomboy sila. walang masama sa paglihis ng gender preferences. hindi rin ito sakit kaya di sila dapat kaawaan o bigyan ng lunas. hindi ito krisis sa sarili o pagkalito. nagkakaron lang non sa mga nakatago sa aparador. choice lang ang ginawa nila. choice para maging masaya sa sarili. wala silang sinaktan o niyurakang karapatan. 


teka, bago mo ako litanyahan ng mga berso mo sa bibliya. uunahan na kita - wala akong paki dyan. hindi dapat mangibabaw ang relihiyon (partikular na ng kristiyanismo) sa estado dahil una sa lahat, hindi naman lahat ng mamamayan ay kristiyano. wag nating kalimutang diverse ang kultura ng ating lahi. wag ninyong isara ang utak nyo sa mga sarili ninyong paniniwala. so please lang...


ang marriage o pagpapakasal o matrimonya (o kung anu pa mang tawag mo dyan), sa pinakapayak na depenisyon, ay ang pagiisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. oo, ayon sa family code ng pilipinas malinaw na nakasaad na:
Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life.
at sinasabi ring isa sa mga requisites ng isang valid na kasal ay:
Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female.
malinaw na malinaw. man and woman. male and female. malinaw pa sa sikat ng araw sa kalagitnaan ng summer. nakasulat ito mismo sa saligang batas ng pilipinas. teka, inuulit ko:

SALIGANG BATAS NG PILIPINAS.

ang matibay at subok na matatag na saligang batas ng pilipinas. matuwid na naipatutupad. walang kinikilingan, walang kinakampihan. walang kaibi-kaibigan. walang kamaga-kamaganak. may ampat na hustisyang tunay nating maaasahan.

tingnan na lamang natin kung anung nangyari sa visconde massacre case.

ang matumal na pag-usad ng trial ng mga amputanginang ampatuan.

ang pagdakip at pagpatay sa mga aktibista.

ang dacer-corbito double murder case, may witness na't lahat ano nang nangyare?

si ate glo, sitting pretty sa kongreso. ganun na lang? 

eh sino nga ba ang plastik?

minsan kasi di mo talaga maiiwasang makatagpo ng mga taong makikitid ang utak. may manipis na linya kasing naghihiwalay sa pagitan ng "pakikisama" at pagiging "plastik". ganito yan, lilinawin ko. ang "plastik" - yung pagkaharap mo mabait, pagtalikod mo hindi. ang nakikisama naman - nagpapakaplastik lang para makaiwas sa gulo. pero may dumarating na pagkakataon, nagkakaroon din ng hangganan ang "pakikisama". yung naubos na ang pasensya mo at di mo na kayang makipag-plastikan. that's it, enough is enough.

sabi nga ni FPJ:
 "napuno mo na ang salop, kailangan ka
nang kalusin, bitch." 

Wednesday, June 29, 2011

tell me who your friends and i'll tell you who you are.

si issa - panganay, speech pathologist, malaki dede

si ryan - basagulero, may anak-walang asawa, babaero

si kevin - malaki pwet, lover boy, dalawa trabaho

si cha - edukada, harkor religious

si ate carol - cellphone technician, tomboy

si ken - call center agent, adik

si djuana - african american, matalino, palaban

si samantha - adventurous, masayahin, laging gutom

si christian - bakla, dancer, komedyante

si zsade - madaldal, malandi, mataba

marami pang pangalan ang maaari kong ihanay, katapat ang ilang pasilip sa kanilang pagkatao.


ngayon mo sabihin sa akin: sino ako? 


  
  

Sunday, June 26, 2011

may mga bagay na di mo tiyak pero gusto mo pa ring subukan kahit kalahati ng iyong pagkatao ay nag-aalangan. isa sa iyong mga paa ay tila ayaw humakbang kahit gorang gora na neng ang drama ng pangalawa mong paa. ewan ko lang sa pangatlo at pangapat na paa kung sakaling aso ka man. ganon kasi kapag maraming komplikasyon ang daan na nakalatag sa iyong harapan. maraming agam-agam, takot at mga pangangambang babagabag na hindi mo basta maisasawalang bahala dahil ayaw mong masaktan at ayaw mo ring makasakit. pero anu't ano pa man, isa lang ang alam ko:

masaya ako.

salamat, sayo. :)

Saturday, June 25, 2011

yung minsan feel mo talaga ampogi mo.

San Francisco, California

Wednesday, June 22, 2011

si LOVE ang dagang pusa.

nag-umpisa naman ang araw ko nang matiwasay.. gumising ako nang maaga para makisabay sa tito ko hanggang edsa..para bawas pamasahe na rin pauwi.. nagluto yung isang tita ko ng almusal.. sunny side up na itlog saka new tender juicy hotdog balls.. (kelangan kasama yung 'new') 

bale isho-shortcut ko na dahil wala namang kabuluhan sa blog ang mga nangyari sa byahe..edi dumating ako sa bahay.. pabukas na ako ng pinto nang may mamataan akong malaking kulay itim na pusang nagaalmusal sa may kubo namin.. bilang isang berdugo ng mga pusakal, misyon kong saktan ang lahat ng pusakal sa buong sangkatauhan..kaya't dali dali akong pumulot ng kahit anong matigas na bagay at buong lakas kong ipinukol sa nakaririmarim na nilalang..nadampot ko yung crocs ng tatay ko.. (sorry, burges lang) di ko tinamaan.. sadya talagang bibo ang reflexes ng mga pussy.. cat.. tumakbo sya patungo sa may washing machine.. edi ako pulot lang nang pulot sabay pukol sa itim na pusang yun ngunit wala paring tumama.. sadya talaga syang mailap.. parang love.. 

BLAG! BLAG! BLAG! 

kinalampag ko ang primitibong washing machine upang lumabas ang pusa kesehodang makalas kalas ang mga piyesa nito sa loob.. di ko na makontrol ang aking sarili.. parang ako na ang kinokontrol ng aking galit.. isa na atang obsesyon ang pagkitil sa lahi ng mga pussy.. cats.. 

BLAG! BLAG! BLAG! 

kinalampag ko pa.. pauit ulit.. parang may noise barrage sa aming bakuran.. nagtitinginan na ang mga kapitbahay sa akin.. nakarinig pa nga ako ng, "adik na ata.." mula kay aling dina..ngunit tuloy parin ako sa aking sinumpaang misyon.. di lang nila ako naiintindihan.. 

PUTANGINA KANG PUSA KA LUMABAS KA DYAN! 


may kalahating oras ng kalampagan at matinding aksyon ang lumipas, nakaramdam ata ang dyaskeng hayop na ako'y napapagod na.. bigla syang lumabas at buong lakas syang tumakbo paiwas sa aking mga tadyak.. dumaan pa nga sa pagitan ng aking mga paa, parang pangasar ba na di ko kayang habulin ang kanyang tinataglay na bilis..pinilit kong habulin pa at pukulin ngunit di ako umabot.. sadya talaga syang mailap.. parang love.. 

tumakbo sya patungo sa may sulok ng aming bakuran.. lingid sa kanyang kaalaman, isa na iyong dead end.. dayo lang kasi sya kaya di nya kabisado ang pasikut sikot sa amin.. agad akong tumakbo upang kornerin sya.. "putangna kang pusa ka,, yari ka sakin.." sabi ko sa sarili ko..ngunit nagulat ako sa aking nakita..pahabang tenga, mahabang buntot, maliliit at itim na mata, pahabang nguso.. 

isa syang daga!
 




di lang basta daga..DAAAGAAA!!!!!!! malaking DAAAAGAAA!!! nakorner ko sya, nagkatinginan kami.. nakatitig sya sa akin na para bang nangungusap.. sa aking puso ay nagsisisi ako kung pano ko nagawa sa walang kamaliw maliw na daga ang karumal dumal na pangaaping iyon.. nangilid ng luha sa aking right eye at napatungo na lamang ako..humakbang ako pagilid sabay senyas na maaari na syang umalis nang mapayapa.. parang huminto ang oras at nag-slow motion ang lahat.. minsan ganun talaga.. matapos mong habul-habulin at gawin ang lahat,, pag nariyan na e kelangan mo namang pakawalan.. napaka-unfair.. parang love.. 

nagwakas ang maaksyong tagpo sa aming bakuran nang tahimik.. ang pobreng daga, naglalakad palabas ng bakuran.. at ako, nakatayo habang nakatitig sa kawalan.. tahimik.. rinig lamang ay ang pangingiliti ng hangin sa mga dahon ng mga puno, ang background music na "i dont want you to go" ni kyla na kahapon ko pa LSS, ang mapayapang lagaslas ng tubig sa aming fish pond, at ang malulutong na mura ni aling evita sa anak nyang si pura..basta tahimik..ni walang gustong bumasag sa katahimikang iyon.. nakabibingi.. nang nakarinig ako ng huni ng isang pamilyar na hayop.. 

pchuppchhpt..(basta huni ng daga yan,wag ka magulo..) 

bumilis ang tibok ng aking puso..di ko ma-explain yung feeling..parang nae-excite na kinakabahan..lumingon ako sa kinatatayuan ng daga.. marahil ay nais nyang mamaalam o magpasalamat dahil nahabag ako't pinakawalan ko sya..nagulat ako sa aking nakita.. 

masama ang titig nya sabay bigkas ng..
 





"FUCK YOU!" 

Tuesday, June 21, 2011

tootsie guevarra syndrome

hindi ko alam kung bakit ba simula ng makilala kita, para bang bigla kang naging isang mahalagang sustansya na kailangan ng aking katawan. hindi kumpleto ang aking mahabang araw kung wala ka. parang centrum - it makes me complete. ikaw ang nagtatanggal ng lahat ng pagod, stress at bad vibes sa aking katawan. para kang gatorade with advanced electrolyte system, pinapawi mo ang uhaw ng aking katawan at isipan. grabe, kung wala ka kulang na. kulang na ang lahat.

parang tae na walang langaw.
parang tinola na walang sabaw.
parang paksiw na walang suka.
parang model na walang mukha.
parang pakbet na walang gulay.
parang buhok na di sinuklay.
parang pusang walang ngiyaw.
parang ahas na di nanunuklaw.

parang ako na walang ikaw.

di makatulog sa gabi sa kaiisip. sa diwa ko'y ikaw ang laging panaginip. o bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko? hindi ko rin alam. hindi ko alam, tootsie guevara. at kung bakit hindi tayo makatulog sa gabi ay wag na nating isisi sa mga minamahal natin. we need eight hours of sleep everyday to keep our skin healthy (skin lang? oo, ako na vain).

hindi naman siguro masama ang ma-tootsie guevara syndrome. wala namang peligrosong sintomas ito bukod sa malakas na pagtibok ng puso at abnormal na daloy ng kaba sa iyong mga kalamnan. mag-ingat lamang ang mga taong may alta presyon.

oo, ako na...




putanginang yan.


anu na nga bang nangyari? sa kalayaan? sa demokrasya? sa pilipino?

PUTANGINANG YAN.

Monday, June 20, 2011

"alam mo yung toy dati na tamagotchi? parang ganun magka shota. kailangan i-text, lumabas, kausapin, paglaanan ng oras... tapos pag nagmintis ka sa maintainance, break ang abot. minsan maski todo alaga, bigla kang iiwan. ayos na maging single teh."
-Ramon Bautista 

Saturday, June 18, 2011

eh kasi ninja ang daddy ko.

kadalasan kasi diba, yung mga ginagawan ng tribute ay yung mga sikat. yung the best. yung sobrang galing nya sa kung anumang larangan. o kaya may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng lipunan. sila yung mga tipo ng tao na ginagawan ng pelikula, isinasalibro ang mga talambuhay, pinatatayuan ng rebulto at kung anu-ano pang shit.

bale lumaki kasi ako na mas parang tropa at hindi nakatatandang ama ang turing ko sa tatay ko. hindi sa hindi ko siya ginagalang, talagang ganun lang sya ka-cool. kapag may mga trip ako na hindi masakyan ng mommy ko, dad ko ang taga-salo ko. hindi naman kasi siya yung tipo na hindi nakaka-adjust sa pagbabago ng mga henerasyon. kumusta naman na sa kanya ko pa natutunan kung anung ibig sabihin ng TTYL di ba? edi siya na ang techie. parang bata pa rin kahit pang-igorot na yung kulubot sa mukha nya. laging pasimula ng kulitan, kwentuhan, tawanan at kung anu-ano pang shit.


kung ikukumpara sa ibang mga tatay, tae ang tatay ko. dating tirador ng shabu, malakas mang-chicks, lasinggero at walang matinong trabaho. hindi sya yung tulad ng ibang tipikal na tatay na "haligi ng tahanan" na tipo. hindi rin sya yung tikasin na istriktong akala mo laging nanghahataw ng leather na sinturon. hindi siya ganon.

pero husgahan man siya ng lahat ng tao sa mundo, o kayong nagbabasa nito. ngayon din, para sa inyo. eto ang solid kong:

putang ina nyo.

oo, sige malaki ang pagkukulang nya sa amin in terms of  providing. marami siyang naging kasalanan lalo na sa mommy ko, hindi ko maikakaila yun. pero kahit ganun pa man, proud pa rin ako sa daddy ko dahil despite ng lahat ng negatibong aspeto ng buhay namin ay nakuha nya pa rin kaming mapalaking matitino at astig. sa kanya ko natutunan yung pakikisama at respeto sa ibang tao anumang katayuan nila sa buhay. marami pang iba at natutunan ko yung mga pangaral nyang iyon dahil itinuro nya sa akin yun kasabay ng pagkilos ayon dito - hindi lang ba puro salita. pero higit anu pa man, sa dad ko natutunan na walang taong hindi kayang magbago dahil kahit anu pa mang sama nito, kung pagbibigyan lang ay may natitira pa rin namang kabutihan sa kanya.

hindi lang yan.

malupit ding mag-gitara yan, magilas magkumpuni ng kung anu-anong shit at may pamatay na sense of humor. sige nga, pupusta ako kahit anung halaga. humanap kayo ng kahit na sinong tatay na pwedeng itapat sa daddy kong kayang kayang pumaslang ng sampung katao nang walang armas.

partida nakapikit ang kaliwang mata.