Wednesday, March 30, 2011

eh kasi sa kanila, may pangil ang batas

oo, aaminin ko - nalungkot din ako sa sinapit ng mga kababayan natin sa China.

pero hindi ibig sabihin non na dapat na tayong magalit sa mga chekwa. kahit ba deport lang ang sinasapit ng mga chinese nationals na mismong mga drug lords at may-ari ng mga pabrika ng shabu. nagkataon lang talaga na may kanya-kanyang batas ang mga bansa at nagkataon rin naman na sa China, ang batas nila ay mariing naipatutupad. kumbaga sa aso, hindi lang basta makatahol - marunong din mangagat. tamaan na ang dapat matamaan pero walang pangil ang justice system ng ating bansa. ano na nga ba ang nangyari sa mga pakshet na ampatuan? si ping lacson, ganun-ganun na lang? yung mga mas malalaki at mas makapangyarihang kriminal, nakakanti ba ng mga alagad ng batas? 

maraming nagsasabing unfair ang nangyari pero depende yon kung paano mo titingnan ang buong sitwasyon. unfair ba na kamatayan ang sinapit nila samantalang deport lang ang sinasapit ng mga chinese nationals na nahuhuli sa pinas? hindi. kasi nga ganun ang batas sa kanila. hindi lang naman mga pinoy ang nabibitay sa China, maging mga kababayan rin nila mismo ay nahahatulan ng kamatayan sa parehas na kasalanan. sino naman tayo para baguhin ang sistema nila? wag na nating hilahin pababa ang China. kaya sila maunlad, kasi may batas silang pinaiiral. 


ang hirap kasi sa atin, masyado na tayong nasanay sa konsepto ng "awa" - salamat sa mga programa tulad ng wowowee, wish ko lang at marami pang iba. makakita lang tayo ng nagdarahop, umiiyak o nagdurusa sa TV, naaawa na agad tayo. minsan sa sobrang talim ng emosyong rumarakenrol sa ating mga dibdib, nakakalimutan na nating tanungin, "kung bakit nga ba sila nagkaganyan". gumawa ng krimen ang mga nabitay na drug mule sa china at pagbali-baligtarin mo man ang mundo, ang kasalanan ay kasalanan. hindi ito justifiable ng estado mo sa buhay o kung napag-utusan ka lang. alam mong masama, bakit mo pa ginawa. tingnan mo itong si presidente, sasagutin daw ang kabuhayan at pag-aaral ng mga naulila ng mga nabitay. ewan ko lang ha, pero parang anlabo. willie, ikaw ba yan?

ang pinaka-mainam na lang na magagawa nating mga pinoy ay magpatuloy sa ating mga sari-sariling buhay at wag na lang gumawa ng kung anumang labag sa batas. yun lang naman yon. mahigpit man o hindi, batas pa rin yun. 


No comments:

Post a Comment