Wednesday, March 23, 2011
wag nga kayong praning.
kahit sino naman talaga sa atin eh walang nakatitiyak na magugunaw na talaga ang mundo at mas lalo namang walang may alam ng saktong petsa pwera lang kung siya si galactus na anytime ay pwede nyang pisatin ang planeta natin na parang hinog na aratiles. huwag nyo nang takutin ang inyong mga sarili dahil wala naman kayong mapapala at mas lalong wag na kayong mandamay ng kapraningan dahil nakakairita lang ang mga yan.
may idea ako.
eh kung subukan ko kayang mag-loan sa bangko tapos mga tipong 5 years to pay pero maliit lang ang monthly para keri lang bayaran. bibili ako ng bagong kotse, magsa-shopping ako, mamamasyal, mambababae at kung anu-ano pang shit. edi kung 5 years to pay, 2016 ko pa mapu-full yung payment. so naisip ko, kung magugunaw na ang mundo next year, edi nakapag-enjoy na ako sa huling taon, naka-libre pa ako ng apat na taong worth ng bayarin. kung hindi, edi oks lang, ituloy ang bayad. whatchutink?
lezz partey!
ang kathang ito ay tungkol sa:
endoftheworldshit,
weird shitz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment