ayokong magpaka-ipokrito at sabihing hindi ako mahilig makiuso. oo, sumusunod din ako sa kung ano ang uso at napapanahon. isa akong sertipikadong facebook at twitter addict. hindi rin ako nagpapahuli sa mga usong gadgets, lingo, damit at kung anu-ano pang shit. pero para saan? bukod sa napapasaya mo ang iyong sarili, hindi ba't kinokonsidera rin natin ang opinyon ng ibang tao?
baduy ka kapag wala ka sa uso - jologs.
ang social norm ay yung set ng kaugalian, pamahiin, moral values, way of life, pananalita, pananamit at kung anu ano pang shit na common sa isang social group. with that being said (gumaganon?), conformity o ang pagsunod dito ay isang malaki at mahalagang bahagi ng pamumuhay ng tao. mahalaga para sa atin ang matanggap ng lipunan. no man is an island, ika nga nila. at kung sinuman ang nag-ika nun ay hindi ko na batid. basta yun ang ika nila, no man is an island. hindi katanggap-tanggap para sa atin ang ma-itsapwera ng mga kaibigan, ng pamilya at ng lipunan kaya't mas malamang na susunod tayo sa kung anong idinidikta ng social norms ng kinabibilangan nating lipunan kaya't mas pinipili nating makisunod sa daloy. go with the flow ba, at least sigurado kang kasama mo ang majority kahit hindi mo sigurado kung saan patungo ang agos. e sorry, iba ako - deviant kuno, feeling angat sa iba.
rebelyon?
oo, pero hindi ito yung tipo ng rebelyon na hahawak ako ng bolo at magpupunit ng cedula dahil una sa lahat, hindi na uso ang cedula sa panahong ito. rebelyon ito na sumasalungat sa ilang mga bahagi ng sistema na sa tingin ko ay mali o kaya hindi naman talaga kailangan sabayan - keri lang basta walang ibang taong nayuyurakan. natural naman kung tutuusin sa isang tao ang mag-rebelde dahil lahat naman tayo ay magkakaiba ng pananaw sa iba't ibang usapin mula maliit hanggang sa malalaki at seryoso. nangyari lang na mas huwad o obvious ang istilo ko ng pagsalungat na parang tigyawat na nagsusumigaw sa buong mundo na "hoy! tirisin mo na ako!".
- isa sa mga rebelyong ginagawa ko marahil ay ang pagkakahilig ko sa tatoo bagamat tutol dito ang marami sa pamilya namin partikular na siyempre ang aking mommy.
- ang pagka-prangka ko na kung minsan ay hindi na maganda sa opinyon ng iba. ang pagsasalita/pagsusulat ko nang walang filter sa mga mura at masasakit na salita. wala akong nakikitang mali sa pagsasabi ng katotohanan at paggamit ng mga salitang putangina kung wala ka namang iniinsultong ina dahil ang pagmumura naman ay mas madalas nang nagagamit bilang expression ng emosyon.
- ang pagkamuhi ko sa mga kabobohan ng gobyerno.
- ang hindi ko pagpili ng mga kaibigan. una sa lahat, hindi ako mapanghusga. wala akong paki kesehodang adik o gangster ang isang tao dahil naniniwala ako na ang isang tunay na kaibigan ay hindi maghahangad ng masama sa isang kaibigan. ang peer pressure naman o bad influence ay gumagana doon sa mga taong walang sariling bayag.
- ang pagiging agnostic atheist ko. hindi ako naniniwala sa pagkakaroon ng diyos pero hindi ko rin naman sinasabing wala talaga - kaya nga agnostic.
- ang pagsagot ko sa matatanda. hindi dahilan ang edad o heirarchy sa pamilya para hindi mo ipaglaban ang sa tingin mo ay tama.
marami pang ibang bagay ang maidadagdag ko sa listahang ito at maaari ko ring sabihing mayroon ding mababawas dahil kasabay ng mga pag-aalsang ito ay ang pagtanda at pagyabong ng kaalaman ko sa mundo. kaya nga una pa lang, sinabi ko na:
ayokong magsalita ng tapos.
dahil walang constant sa mundo kundi ang pagbabago. kasama na ang pi, avogadro number, gravitational constant at kung anu ano pang physics shits.
No comments:
Post a Comment